CHAPTER 60: Tokyo Vs. Kanagawa

484 19 1
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 60: TOKYO VS. KANAGAWA

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

"Takasago!" sigaw ni Koshino saka pinasa ang bola.

Natanggap naman yon ni Takasago saka pinagpatuloy ang pagdidribol, nakasunod naman sa likuran niya sina Hanamichi at Kiyota.

Sa ilalim ng ring ng Kanagawa ay nakabantay si Hanagata at nakahanda na itong salubungin si Takasago.

"Pipigilan kita..." sambit ni Hanagata.

"Hmm..." Takasago

Bigla siyang huminto sa pagdribol.

Bigla ding huminto sa pagtakbo sina Hanamichi at muntikan na itong nawalan ng balanse.

"Wag ka kase huminto bigla!" masungit na sabi ni Hanamichi kay Takasago.

"Gunggong..." Takasago

"Grrr---" Hanamichi

"Yasuda!" Takasago

Natanggap naman ni Yasuda yong bola mula sa 3-point area saka ito nagshoot.

*Shoot!*

"YAAAHHOOOOOOOO!!"

"KANAGAWA!!"

"Ayos! 3-points, nice shot Yasuda!" nakangising sabi ni Koshino at nakipag apiran ito.

"Nice Pass, Takasago. Depensa naman." sabi ni Yasuda at bumalik sa pwesto at ganun rin ang iba.

Nasa Tokyo na naman bola at hawak ito ni Watanabe.

"OKAY TEAM! BAWI TAYO! SCORE TAYO NGAYON!" Sabi ni Watanabe sa kanila habang nakataas ang isang hintuturo nito.

"OO!" sagot nila.

"Team! Sisirain natin ang diskarte nila, babawiin natin yung lamang nila!" sabi ni Yasuda sa mga kasamahan niya na silang lima lang ang nakakarinig.

Tumango yung lima sa sinabi niya.

"Oo, Yasuda. Maasahan mo na kami dyan!" Sagot ni Koshino.

"2nd half na, nakasalalay na sa set na'to ang magiging resulta ng laro." sabi rin ni Nagano.

"Nagano at Muto, hangga't maaari huwag niyong hayaan na makapasok si Sakuragi sa loob." Yasuda

"Oo!" Muto/Kanagawa

"BILIS!" sigaw ni Kiyota.

"OO!" Sagot ni Hanamichi saka tumakbo ng mabilis.

Bago pa sila makarating sa kanilang half-court ay sinalubong sila ng opponent team.

Nakuha ni Hanamichi ang pasa ni Kiyota, pero bago siya makapasok ng half-court ay sinalubong siya nina Nagano at Muto.

(Bouncing...)

"Eerrkk... Kayong dalawa na naman?" taas kilay na tanong ni Hanamichi sa kanila.

Pero hindi siya pinansin ng dalawa at patuloy lang ito sa pagdedepensa.

"Pweehh! Kahit tatlo, apat o lahat pa kayo magbantay sakin ay hindi niyo mapipigilan ang Henyong ito... Kaya kung ako sa inyo, palaruin niyo ang player niyo na kasing galing Lolo, Fujiboo o di kaya yong mangingisda naming si Sendoh para lang pigilan ako! NYAHAHAHAHAHA!" tawa ni Hanamichi sa harapan nila.

"Tssk... Ang yabang mo talaga, di ka nagbago..." Nagano

"Maluwang na yong tornilyo sa utak niya kaya ganyan." Muto

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now