CHAPTER 42:

526 15 1
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 42:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

(KINABUKASAN...)

*** GYMNASIUM ***

Pagkatapos ng klase ay dumiretso sa gymnasium ang mga players. Hindi naging busy ang umaga nila sa academics kaya maaga ang naging dismissal nila. 4:30 nang magsitipon silang lahat at nakapang orinaryong damit na lang dahil ito ang unang hapon nila sa camping.

"Mabuti at kumpleto na kayong lima. Sa hapong ito wala kayong ibang gagawin kundi ang tumakbo lang, maliwanag?" wika ni Maki sa kanila.

"Lolo..." lumapit si Hanamichi sa kanya saka inakbayan. "wala na bang mas mahirap dyan? Nakakahiya naman para sa henyong ito, hindi nababagay sakin ang ganyan kababaw na activity."

"...?" Maki

"Hoy Unggoy! Alisin mo nga yang kamay mo kay Maki baka mabahiran mo siya ng dumi mula sa Laking-gubat na katulad mo!" reklamo ni Kiyota habang tinuro-turo pa siya.

"Kaysa naman sayo na Taong-gubat! Matsing!" Pabalik na salita ni Hanamichi.

"Abaaaaaaaaa... ---" Kiyota

"Hoy tama na yan. Lumabas na kayo para makapagsimula na kayo sa parusa niyo." suway sa kanila ni Hanagata.

Napatingin ang dalawang Unggoy sa kanya.

"Nasan yung boypren mo?" masungit na tanong ni Hanamichi.

Tumaas ang isang kilay ni Hanagata dahil sa tanong nito... "Nandun sa labas si Fujima, hinihintay kayo."

"Pwehh di kami bati nun!" Kiyota

"Ako rin!" Hanamichi

Tiningnan sila ng masama ni Hanagata saka nagsalita... "Malaman ko lang na nagpapasaway kayo sa kanya makakatikim kayo sakin..." niyukom nito ang kanyang kamao sa harap ng dalawa habang nandidilim ang awra nito.

Napalunok sila dahil sa nakakatakot na hitsura nito.

"sige, ilipat mo naman sa next page..."

"sandali lang di ko na natignan ng maayos eh..."

"Ito oh, ang ganda talaga..."

Napalingon ang dalawang Unggoy at napatingin sa Tatlong-others na magkadikit na tila may tinitingnan.

"Grabe, ito talaga oh ang ganda..." Daisho

"Ang sexy ng katawan niya..." Watanabe

"Naka two-piece pa, namiss ko tuloy sa bech pumunta andaming nagseseksikhang---" di natapos ang sasabihin ni Nishizaki nang...

"HOY GINAGAWA NIYONG TATLO!" Sigaw sa kanila ni Hanamichi.

Napatakip ng tenga si Kiyota dahil sa lakas ng sigaw na yon.

"Ang laki talaga ng bunganga mo, Unggoy! Letche ka!" ganti ni Kiyota.

Hindi siya pinansin ni Hanamichi sa halip napatingin ito sa isang magazine na hawak nung Tatlong-others.

"Huy ano yan?" tanong ni Hanamichi.

Agad naman tinago ni Nishizaki yung magazine. "Wala..."

"Sinungaling tong kengkoy na'to..."

"Totoo nga, wala lang talaga to..." ngumiti si Nishizaki sabay kamot pa sa ulo nito.

"Patingin nga, parang libro yang tinitingnan niyo eh..."

"Ahh OO! Libro 'to... Manga itong tinitingnan namin." sagot ni Watanabe.

"Totoo yun, Manga talaga..." Daisho

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now