EPILOGUE:

802 53 23
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

EPILOGUE:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

2 weeks later...

* * * W E D D I N G D A Y * * *

Ngayon, ang lahat ay nagtipon sa isang okasyon. Ang mga imbitadong panauhin ay mga basketball players at team ng Tokyo, Kanagawa, Toyotsu at Akita. Lahat sila ay nakatingin sa dalawang taong nagmamahalan. Nakahawak ang mga kamay nito sa isa't-isa at ang kanilang mga titig ay puno ng pagmamahal.

Pagkatapos ng seremonya ay binigyan na sila permiso para halikan ang isa't-isa bilang bagong mag-asawa.

"Ayan na! Ayan na! Magkikiss na sila!" Excited na sabi ni Mito.

"Ano ba! Gawin niyo na!" Sigaw ni Takamiya.

"Sanaol kasal na..." Kunwari pinunasan ni Ohkusu ang mata.

"Hehehe akalain niyo magjowa pala sila?" Noma

Samantala si Hanamichi ay nakahawak sa kamay ni Haruko. Itinaas niya ito at hinalikan ang palad. Ngumiti si Haruko sa kanya at hinaplos ang kanyang mukha.

Tinignan ni Hanamichi si Yuki at sumigaw.

"HALIKAN MO NA YUKI! ANG BAGAL MO NAMAN!" iritang sigaw ni Hanamichi sa kanya.

Tumawa naman ang ibang kaibigan ni Yuki na sina Zakusa, Muzaka at Sakurayashiki.

"KISS NAAAAAA!" Zakusa

"KISS NA AGAD!" Muzaka

"BAKLA ATA 'TO EH!" Sakurayashiki

Namula naman si Yuki sa sobrang hiya. Nabubwisit siya sa sinigaw ng mga kaibigan niya.

"Saihetei..." Tawag ni Reishun sa kanya.

Hindi na pinatagal ni Yuki kaya hinawakan niya ang mukha nito at hinalikan si Reishun.

*Kiss!*

Naghiyawan silang lahat.

"WHAAAAAAAAAAAAHHH!

Arghhh mah hart!

AYIEEEEEEEEEEEE!

CONGRATS SA INYOOOOOOO!!"

Si Saiherai naman na kapatid ni Yuki ay napaiyak sa pagmamahalan nila. "Masaya ako para sa inyo, Kuya."

Si Yuki at Reishun ay matagal nang magkarelasyon. 2nd year na Reishun nung pumasok si Yuki sa Tokyo University. Naging Manager din ito ng Tokyo team pero umalis din siya nang tumuntong siya ng 4th year at ang ipinalit niya ay si Mari na first year pa lang. Matanda ng isang taon si Reishun kaysa kay Yuki kaya nung una ay ayaw niya dito dahil mas bata ito kaysa sa kanya. Pero, dahil sa palaging nangungulit si Yuki sa kanya at nakita niyang seryoso ito sa kanya ay tinanggap na niya ito.

Tatlong taon silang magkarelasyon, sa taong ito ay gagraduate na si Yuki kaya nagpakasal na sila.

Lumipas pa ang ilang oras ay kanya-kanya na sila ng kain sa mga handa. Ang iba naman ay kanya-kanyang kuha ng mga litrato sa bagong kasal.

Si Herai ay kumuha ng plato para kumuha ng dalawang stick ng dumplings para sa kanyang diet appetite.

"Yan lang ang kakainin mo?"

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now