CHAPTER 77: Tokyo Vs. Toyotsu

699 29 9
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 77: Tokyo Vs. Toyotsu

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Labing-anim na minuto na lang para sa first half at si Hanamichi ang huling pumuntos kaya ang opensa naman ay sa Toyotsu ulit. At ang kasalukuyang puntos ng bawat kuponan ay 43 points para sa Toyotsu at 45 points naman para sa Tokyo.

Hindi parin kumbinsido si Tsuchiya sa sinabi ni Maki sa kanya na: ang Red-Haired Rebound King na si Hanamichi Sakuragi sa Tokyo Team ay magiging sikat na manlalaro sa buong Japan balang araw.

At ang sinabi din ni Hanamichi sa kanya kanina na: magiging MVP siya sa taong ito.

Napabuga naman siya ng malalim dahil sa iniisip niya.

"Tsuchiya, opensa tayo!" pukaw ni Mikoshiba sa kanya.

"Oo." sagot nito.

Sinimulan na nila ang opensa.

Ang kuponan nina Maki ay binantayan ang mga zone kung saan may posibilidad na makapuntos ang kabilang kuponan.

Pumasok sa isip ni Tsuchiya na medyo mahirap lusutan ang depensang ginagawa ng Tokyo.

Hawak ni Godai ang bola habang dinidribol ito papuntang left side ng shooting-guard area.

*Pak!*

Naalis ang bola sa kamay ni Godai nang biglang napunta si Sendoh at napalpal ang bola mula sa kanyang likuran.

"WOW! ANG GALING NUNG SENDOH NO. 7!

SIGE GANYAN NGA SENDOH!

ACEEEEEEEE!" tili ng mga manonood.

"Nice one Sendoh!" sigaw ni Ikegami mula sa bangko.

"Ang bilis niya!" Nishizaki

"Mas mabilis pa kay, Yuu!" Daisho

"Ang galing!" Watanabe

Mula sa pagkapalpal ni Sendoh ay tumalbog ang bola patungo kay Maki.

Pagkakuha nito ay mabilis itong nagdribol palabas ng defense zone nila at tumungo sa kanilang half-court para pumuntos ulit.

Agad kumilos si Morishige at Rango at tumakbo ito patungo sa ilalim ng ring para iblock si Maki.

Ang takbo ng dalawang Centro ng Toyotsu ay mas mabilis pa sa nagdidribol na si Maki.

"Kiyota! Sakuragi!" sigaw ni Sendoh sa kanila habang hinahabol nito si Mikoshiba.

"OO! RERESBAK NA!" sagot ni Hanamichi na tila parang kidlat sa sobrang bilis nito tumakbo kasama si Kiyota.

Namangha ang ibang manonood sa kanila dahil sa mabilisang galaw nito sa court na tila walang pakealam kung madudulas ang mga ito.

Napatingin naman si Mikoshiba sa dalawang Centro nila na nasa ilalim ng ring.

"Rango! Morishige! Depensahan niyo sila!" sigaw nito.

"Kaming bahala!" sagot ni Rango.

Dinribol ni Maki ang bola hanggang sa nakapasok siya sa kanilang half-court. Pagkarating niya sa loob ay agad humarang si Tsuchiya at Godai sa kanya.

Apat na kamay ang pumipigil sa kanyang opensa kung kaya't wala siyang tsansya na makalusot sa dalawa dahil sa magaling nitong depensa. Kaya mula sa ilalim ni Tsuchiya ay nag bounce-pass siya upang makalusot ang bola at sakto itong nakuha ni Hanagata na nasa likuran ng dalawang dumedepensa kay Maki.

Agad namang dinribol ni Hanagata ang bola pero biglang bumabag si Mikoshiba sa kanya.

"Sendoh!" pasa agad ni Hanagata sa nakalibreng si Sendoh.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now