CHAPTER 85:

597 35 9
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 85:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Pagkatapos magpalipas ng gabi sa Nagoya, Aichi Prefecture ay umuwi na ang lahat sa Tokyo Prefecture pagkaumaga.

Kinabukasan ay gumising ng maaga si Hanamichi at ang apat na ungas. Sabay silang pumunta sa University.

Pagpasok pa lang nila ay nakita ni Hanamichi na nakatayo sa harapan ng main building sina Maki, Sendoh, Fujima at ang iba pa.

Sari-saring papuri ang kanilang narinig dahil nanalo na naman sila laban sa Toyotsu.

"Oh, nandito na pala si Sakuragi." nakangiting sabi ni Sendoh na ikinatingin din ng iba.

"Si Sakuragi!

Diba siya ang huling gumawa ng puntos bago natapos ang laro?

Oo, siya nga!

Ang galing ng laro mo kahapon, Sakuragi!

HENYOOOOOOO!" sabi ng ibang mga estudyante at iba pang mga tilian.

Nakaramdam si Hanamichi ng saya.

"NYAHAHAHAHA Oo naman! Ang Henyong ito ang palaging panalo!" proud na sabi ni Hanamichi sa kanila at humalakhak ulit.

"Ang yabang." bulong ni Kiyota sa gilid.

"Anong sabi mo?" Hanamichi

"Uy uy Sakuragi, Chill lang." awat agad ni Sendoh. "Kiyota, support ka na lang kaya?"

Pero inirapan lang ni Kiyota si Sendoh.

Lumipas ang ilang oras ay nagsimula na ang kanilang klase.

Kabi-kabilang diskusiyon at iniiwang task. Ilang reports, presentation at announcements.

Pero lahat ng iyon ay hindi pinakinggan ni Hanamichi sa halip natutulog lang ito sa kanyang upuan.

Ang mga guro na nakakakita sa kanya ay hinahayaan na lang siya dahil alam nila kung paano ito napagod sa laro. At alam rin nila na ang Tokyo International University parin ang nanatiling No. 2 sa larangan ng basketball dahil sa huling puntos ni Hanamichi.

Tumayo ang isang kaklase ni Hanamichi na lalake at nagsumbong ito sa guro na nagsusulat sa whiteboard.

"Prof! Si Sakuragi natutulog na naman, kanina pa po siyang ganyan." sabi nito.

Tiningnan naman ng guro si Hanamichi.

Natutulog pa rin ito.

Nakapamot si Hanamichi sa kanyang pisngi dahil kumirot ng kunti yung sugat na nakuha nya sa laro dahil kay Morishige.

"Hayaan mo muna natin siya ngayon. At isa pa, exempted na siya sa Midterm niya this 2nd semester." sabi ng guro.

Napatuwid ng upo si Mito sa narinig. Sandali siyang napatingin kay Hanamichi na hindi kalayuan sa kanya saka binalingan ulit ng tingin ang guro.

"Talaga po Prof? Exempted na si Hanamichi sa midterm?" tanong ni Mito.

"Oo."

"May ganun po ba Prof? Ang unfair naman ata." maktol nung isang estudyante na nasa likuran ni Mito.

Mahinang tunawa ang guro sa tanong niya.

"Hahaha... Hindi yun unfair. Kapag isa kang atleta at dala mo ang pangalan ng school ay awtomatikong pasado kana. Ang basketball club, matinding ensayo ang ginagawa nila para manalo palagi sa laban. Karamihan sa mga sumali sa Basketball Club natin ay agad na nagsialisan. Alam niyo kung bakit? Dahil nakakamatay yung training. Kapag sumali ka dapat magaling, malakas at matibay kang player tulad ni Hanamichi Sakuragi." paliwanag ng guro.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now