CHAPTER 9:

884 22 0
                                    

SLAM DUNK. COLLEGE MATCHES

CHAPTER 9:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

HANAMICHI SAKURAGI'S POV

Pagkatapos nung practice game namin kahapon laban kila Lolo, nandito ako ngayon sa classroom nakaupo at nagmumukmok.

"Hanamichi parang wala ka sa mood ngayon ah?" Tanong ni Mito sakin.

"Wala kase akong maabangan, Yohei. Kung nandito lang sana si Haruko, edi sana palaging maganda ang araw ko." Sagot ko at tumayo.

"Oh saan ka pupunta?"

"Magpapahangin lang." Sagot ko at naglakad palabas.

Tumayo malapit sa railings at tiningnan ang kabuuan ng campus. Nakikita ko sa ibaba ang mga iba't-ibang player ng baseball, soccer at iba pang sports club.

"Kamusta ka na, Sakuragi?"

Napatingin ako sa nag tanong nun at nakita ko si Haruko at friends nya na nakangiti sakin.

"Ayos lang." Walang gana kong sagot at binalingan ko ulit ng tingin ang ibaba.

Ang ganda talaga ni Haruko...

HARUKO?!!!!

"WAAAAAAHHH!!! HARUKO?!" Gulat kong tanong at biglang napaatras.

"Hi, Sakuragi." Bati sakin ni Bespren number 1 at 2.

"A-ANO? K-KAILAN PA KAYO NANDITO?!" Gulat ko paring tanong.

Nakita ko si Mito na naglalakad palabas habang tumatawa... "Hahaha! Nasurpresa ka ba, Hanamichi?"

"I-ibig sabihin nito... Alam mo na pupunta sila dito?" Tanong ko.

"Hindi lang sila basta pupunta dito, Hanamichi. Dito na rin sila mag-aaral kasama natin." Nakangiting sagot ni Mito saka kinindatan ako.

"Talagang nakiusap pa kami kay Gori sa telepono na dito na lang paaralin si Haruko..." Napatingin ako sa tatlong ungas na naglalakad papunta sa gawi namin.

"Para naman mabuhayan ka,Hanamichi!" Ohkusu

"Oo nga! Kaya nga kahapon natalo kayo kase kulang ka sa inspirasyon. Kaya personal naming kinausap si Gori." Noma

"Kaya magpasalamat ka samin dahil pumayag si Gori." Takamiya

Nagulat ako sa pinagsasabi ng mga ungas.

Bakit...

Bakit ang bubuti ng mga ungas nato?

Kinausap nila si Gori sa telepono na dito rin paaralin si Haruko para makasama ko?

"I-ibig sabihin, kayong lahat ang may pakana nito?" Tanong ko.

"Oo, ayaw kase naming makita na malungkot ang bespren namin eh." Ngumiti sakin si Mito.

Para akong maiiyak sa sinabi niya... "M-Mito..."

"Talagang kinulit nila si Kuya kahapon, kaya ayon sa wakas pumayag din si Kuya." Napatingin ulit kay Haruko.

"H-Haruko! Alam mo bang namiss kita ng sobra?!" Tanong ko

"Ikaw talaga, Sakuragi. Tatlong araw pa lang naman ang lumipas ah? At alam mo ba na gustong-gusto ko na ring pumasok dito dahil sa sinabi mo na nagsasama-sama sa iisang team ang mga Star Player ng Kanagawa? Nung sinabi ko rin kay kuya talagang nagulat siya!" Nakangiting sabi ni Haruko sakin.

"Talaga Haruko?" Ako

"Oo." Haruko

"Mamaya Haruko, sumama ka sakin sa Gymnasium para makilala mo ang bagong team namin ah?" Sabi ko

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now