CHAPTER 45:

586 18 1
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 45:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

Hanamichi Sakuragi's POV

*** CLASSROOM ***

"Okay, time is up! Kindly pass your test papers!" sabi ng propesor ng Physical Education namin.

Tiningnan ko muna yung papel ko...

Tama ba talaga tong pinagsasagot ko? HINDI KASE AKO NAKAPAG REVIEW KAGABI EH!

Malay ko bang may exam pala ngayon! Bweset!

"Oh Hanamichi, parang naano ka dyan dahil sa biglaang exam ah?"

Napatingin ako ng masama sa nagsabi nun.

"Yohei... Hindi ko naman sa masama ang loob ko dahil may biglaang examination. Henyo ako kaya balewala na sakin ang ganitong kababaw na bagay..." sagot ko at tinukod ko ang braso ko sa mesa para makapatong ang ulo ko.

Tumingin ako sa bintana kung saan kitang-kita ang dalawang naglalakihang gymnasium.

"... At hindi lang basta-basta na Henyo, Henyo ako sa lahat ng Henyo." dugtong ko.

"pfft... Hahahaha ang lakas ata ng hangin natin ngayon Hanamichi? Dahil ba kasama nating natulog sina Haruko kagabi sa Gymnasium ganun ba yun?" natatawang tanong ni Mito sakin.

Bigla akong Napangiti ng hindi namamalayan.

Hehehehe oo nga pala, ang saya ng gabi ko dahil lahat kami na kasali sa basketball club ay magkasama na natulog sa gymnasium. Pero syempre dahil sa gentleman ako... magkatabi sina Haruko at Mari natulog. Nyahahaha kung Henyo ka dapat Gentleman din tama?

(Alarm Ringing...)

"Nyehihihihi..." napatawa ako sarili.

"Oy tara na sa cafeteria Hanamichi baka nagugutom ka na?"

Panira talaga tong si Mito.

"Aba syempre ba! Basta libre mo?" nakangisi kong tanong.

"Ehh? Pambihira ka naman, nasan na yung allowance mo nung huling pinadala ni Mitsui sayo?"

Napanguso ako sa tanong niya.

"Bakit, Yohei? Nagdadamot ka na sakin?"

"Unggoy ka talaga, hindi sa ganun."

"Edi libre mo'ko!"

"Nasan nga yung pera mo?"

"Inubos ko na, happy?"

Napakamot na lang siya sa ulo niya. NYAHAHAHAHA

"Pambihira ka talaga baka kung ano-ano ang binili mo?... Kung sabagay halata naman sa katawan." Siya

Napatawa na lang ako sa kinauupuan ko at tumayo na.

_________________________________
THIRD PERSON'S POV

*** Hallyway ***

"Hayyy nako... Kung ako sayo Hanamichi, dapat kumilos kana. Hindi pwede na porket nagtapat kana kay Haruko ay okay na, gumalaw-galaw ka din." tingingnan ni Hanamichi si Mito.

"Anong ibig mong sabihin, Yohei?"

"Alam mo, hindi natin nababasa ang sitwasyon o ang susunod na mangyayare. Malay mo baka may biglang dumating na tao at uunahan ka kay Haruko." sagot ni Mito.

Naningkit ang mga mata ni Hanamichi sa sinabi niya.

"HINDI PWEDE! AKIN LANG SI HARUKO!" bulyaw ni Hanamichi sa kanya na ikinatakip ng tenga ni Mito.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin