CHAPTER 95: Tokyo Vs. Akita

733 43 21
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 95: Tokyo Vs. Akita

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

16 minutes at 40 seconds pa ang natitira sa first half. Dahil sa nagawang foul ni Itakura ang bola ay mapupunta parin sa kuponan ng Tokyo Team.

"May isang punto pa tayong hahabulin mga pyon. Aagawin natin ang bola sa kanila at pupuntos tayo." sabi sa kanila ni Fukatsu.

"Kailangan mawala ang malakas na scorer ng Tokyo Team para magawa yun." sabi rin ni Kishimoto.

"Wag niyong gawin na sunod-sunod ang pagpafoul, baka maaga kayong maalis dito sa court." sabi din ni Matsumoto.

Ngumisi naman si Kishimoto.

"Ayos lang, marami pa tayong malakas na player na nakabangko na maaring pumalit samin." sagot nito.

Napatingin naman ang sina Fukatsu sa mga bangkong player nila.

Pati na rin ang Tokyo Team.

"Kahit malakas ang mga benchwarmer natin, wag niyo rin'g maliitin ang mga bangko ng Tokyo Team. Tignan niyo..." tinuro ni Fukatsu ang Team's Bench ng Tokyo.

At doon ay nakaupo sina Fujima, Hanagata, Ikegami, Kiyota, Daisho, Watanabe at Nishizaki.

Tumaas ang isang kilay ni Kiyota nang makita nya si Kishimoto na nakatingin sa kanya.

Bumusangot siya. "Ang sama makatingin ng tikbalang na yun ah?"

Sa court, ang bolang hawak ni Maki ay sinimulan ng patalbugin.

Sila ulit ang gahawa ng opensa.

Umandar ulit ang oras.

Dinribol ni Maki ang bola patungong Point-guard area. Si Sendoh naman tumungo sa 3-point left side area. Si Fukuda sa free throw area samantala sina Hanamichi at Jin ay parehong nasa magkabilang gilid ng ilalim ng ring.

"Bilis depensahan! Triangle-Two Offense Attack ang ginagawa nila!" sigaw ni Coach Kawarama.

Mabilis naman nagsitungo sa mga babantayan ang Akita Team.

"Maki." tawag ni Fukatsu.

Nakaabang naman si Maki sa kanya kaya pinasa agad nito ang bola patungo kay Sendoh.

"Salo!" Maki

Nakahanda na ang kamay ni Sendoh para saluhin ang bola nang...

*Pak!*

May biglang dumakma nito sa halip kay Sendoh.

Mabilis na nakarating sa harapan niya si Kishimoto.

"Nakuha niya!" sabi ni Jin.

"Panira sila ng plano!" inis na sabi ni Hanamichi saka mabilis na lumipat ng pwesto.

"Fast Break!" sigaw ni kishimoto saka hinagis ang bola sa ere.

Nakarating agad sa unahan ang tumatakbong si Masashi. Sumunod naman sa kanyang likuran si Matsumoto at Itakura.

Naalarma ang Tokyo Team dahil mga sharp shooter ang nakasunod kay Masashi. Iniisip nila baka pagnakuha ni Masashi ang bola ay ipapasa niya sa isa sa mga kasamahan na nakasunod sa kanyang likod at ito ay magpupuntos ng tres.

"TOKYO BILIS!!!" sigaw nina Takamiya, Ohkusu at Noma.

"BILIS HANAMICHI! IKAW LANG ANG MAKAKAPIGIL DYAN!" sigaw ni Mito sabay hambalos ng litrong plastik sa railings.

"Bilis!" sigaw ni Maki at hinabol yung tatlo.

Sumunod naman si Sendoh at Hanamichi.

Mabilis na nahanol nina Hanamichi sina Masashi na papasok ng kanilang half-court.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now