CHAPTER 54: Tokyo Vs. Kanagawa

451 15 2
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 54: TOKYO VS. KANAGAWA

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

(Dribbling...)

"Salo!" sigaw ni Yasuda at sakto namang natanggap yun ni Uekusa.

Pero agad bumabag si Kiyota sa kanya na depensiba niya.

*Pak!*

"Kunin niyo!" sigaw ni Kiyota.

Mabilis namang hinabol ni Hanamichi at Muto yung bola.

"Akin yan!" sigaw ni Hanamichi habang tumatakbo.

"Wag kang pakasisiguro..." ganti ni Muto.

"SIGE SAKURAGI HABULIN MO!" sigaw ni Haruko sa kanya.

"H-haruko?" ngumiti si Hanamichi sa kanya saka bumalik agad sa wisyo. "Huli ka!"

Pagkakuha niya sa bola ay mabilis siyang nagdribol papunta sa half-court ng Tokyo.

"Bilisan niyo! Wag niyong papasukin si Sakuragi sa loob!" alertong sigaw ni Yasuda sa kanya.

Napangisi si Hanamichi sa isipan niya.

"Aba ang galing... Talagang nagpanik kayo dahil hawak ko ang bola. Mga mahihinang nilalang..." nakangising sabi ni Hanamichi sa isipan niya.

Mula sa 3-point arc lane, papasok sana siya ng makita niya ang posisyon ng limang player ng Kanagawa na nakatayo sa bawat degree ng rebounding area.

Napangiwi si Hanamichi saka tiningnan si Yasuda.

"HOY YASU! ANO YAN? ANG DAYA NIYO AH? LIMA LABAN SA ISA?" Tanong ni Hanamichi habang pinapatalbog ang bola sa kinatatayuan niya.

"Gagawin namin ang lahat ng paraan na meron kami laban sayo Sakuragi. Hangga't sa labas ka wala kang magagawa para kunin ang rebound." sagot ni Yasuda.

Dahil sa sagot ni Yasuda, imbes na mainis o anuman ay napangisi ulit si Hanamichi.

"Aba! Kung ganun, pinagtutulungan niyo ang Henyong ito? Kung sabagay talagang magaling ako! Natatakot kayo ay dahil baka matalo kayo sa Henyong katulad ko NYAHAHAHA!" Humalakhak si Hanamichi.

"Ehh?..."

"..."

"Ang lakas talaga ng apog ng utak niya." sabi ni Takasago habang nasa likuran ni Hanagata.

Pasimpleng tumingin si Hanagata kay Hanamichi na tumatawa.

"BWAHAHAHAHA!" tawa pa rin ni Hanamichi.

"..." sila

"ipasa mo na yan Unggoy! Baka magka violation ka!" sigaw ni Kiyota sa kanya pero hindi siya pinansin ni Hanamichi.

Pasimple namang pumusisyon sina Fukuda at Watanabe sa magiging atake nila.

Hindi maiwasan na hindi bantayan ng iba sina Fukuda at Watanabe lalo na si Kiyota.

"Ipapasa niya kay Fukuda..." sabi sa isip ni Koshino at dahan-dahang umabante.

"kay Watanabe..." sabi rin sa isip ni Yasuda.

"Kay Kiyota!" Sabi ni Uekusa dahil nakita niyang papunta sa direksyon ni Kiyota ang pagpapatalbog ni Hanamichi.

"Wala yan!" sigaw ni Uekusa saka pumigil pero...

"SALO!..." Sigaw ni Hanamichi.

"Ano!" Uekusa

Malakas na hinagis ni Hanamichi ang bola kay...

"LABO 2nd!" sigaw ni Hanamichi saka tumakbo papasok ng rebounding area.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon