CHAPTER 71: Tokyo Vs. Toyotsu

773 31 8
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 71: Tokyo Vs. Toyotsu

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Sa labin-dalawang minutong natitira sa first half. Ang kuponan ng Toyotsu Team ay nakabuo ng 23 points, samantala sa Tokyo Team naman ay 21. Lamang na naman ang kabilang Team kaya tumawag na ng Time-out si Fujima.

Pumito naman ang Referee malapit sa scoring table.

"CHARGE TIME-OUT! TOKYO TEAM!" sigaw nito.

Nagsitinginan naman ang mga audience sa gawi ng Team. Kahit ang mga dating Team na tinalo noon ng Tokyo Team ay nagulat din. Nagsibulungan naman sila.

"Aba, ang Tokyo Team ang unang tumawag ng Time out."

"Mukhang nasisindakan na sila sa Toyotsu Team."

"May kutob akong may mangyayaring pagbabago." sabi nila at iba pa.

Si Coach Terushima naman ay napangisi.

"Dapat lang na tumawag kana ng Time-out, Coach Fujima. Subukan natin ang talino mo." sabi nito sa isipan niya.

Ang mga player na nasa loob ng court ay nagsipuntahan sa kanilang perspective team's bench.

Sinalubong naman ni Haruko at ng Tatlong-others yung starting five nila.

"Heto Sakuragi, uminom ka muna." nakangiting sabi ni Haruko sa kanya at inabutan ng Pocari Sweat na tubig.

Binigyan din nina Daisho, Watanabe at Nishizaki yung apat.

"Ayos parin yung laro niyo, Captain. Hindi naman masyadong malayo yung lamang nila." sabi ni Watanabe at inabutan niya ng bimpo at tubig sa Maki.

"Oo, alam ko. Pero tayo pwede maging kampante porket 2 points lang yung lamang." sagot ni Maki saka uminom ng tubig.

"Kayong lima, makinig kayo."

Napatingin ang lima kay Fujima na nakatayo sa harapan nila.

"Fujima." Maki

"Bakit Fujima?" Hanagata

"Hanagata at Kiyota. Kahit anong mangyari ay wag niyong palalapitin si Rango at Godai kay Sakuragi kundi mapupunta kay Morishige ang Rebound." sagot ni Fujima sa kanila.

"Oo prehh!" sagot agad ni Kiyota.

"Maliwanag, Fujima." sagot din ni Hanagata.

"Ikaw naman Sendoh. Total plano mo ngayon ang hindi pumuntos, kaya susulitin ko na lang. Wala kang ibang gagawin kundi tibayin ang opensa ng Team, gamitin mo sina Maki, Kiyota, Hanagata at Sakuragi para makapuntos. Ang passing skills mo ang magpapalabas sa totoong galing nila sa laban na'to, kaya medyo malaki ang gagampanan mong tungkulin. Maliwanag?" paliwanag ni Fujima saka tiningnan si Sendoh.

Napangiti naman si Fujima nang makita niya si Sendoh na nanalamin sa wallet mirror ni Mari na hawak ni Jin. Inaayos nito patayo yung spiky hair niya dahil nakatumba ang mga ito.

"Ano Jin, okay na ba?" tanong niya dito.

"Masyadong mataas, parang damo." sagot nito.

"Ayy ganun ba? Ayusin ko nga ulit..."

"Ibaba mo na lang kaya?"

"Ayoko, nakakarang sa paningin ko eh."

"Edi magpagupit ka na lang."

"Mas lalong ayoko."

"Hmmm... Nakikinig ka ba sakin Sendoh?" nakangiting tanong ni Fujima sa kanya.

Agad naman binaba ni Sendoh yung salamin saka napakamot sa batok dahil nakangiti si Fujima sa kaniya at alam niya kung ano ang ibig sabihin nun.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now