CHAPTER 21/1: Tokyo Vs. Osaka

698 21 4
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 21/1: TOKYO VS. OSAKA

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Lumapit ang dalawa kina Hanamichi at Kiyota...

atras ng atras ang dalawa dahil sa mga maitim na awra nina Zakusa at Yuki hanggang sa pader na ang tumama sa likuran nila.

"wag kayong malikot ah?" Ngumisi si Zakusa.

"BWAHAHAHAHAHAH..." demonyong tawa ni Yuki at...

"WHAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!" sigaw ng dalawang unggoy.

At di napigilang yakapin ang isa't-isa dahil sa takot...

"HUYY ANG O-OA NIYO!" singhal ni Yuki sa kanila at isa-isa silang pinagbatukan.

*Bok!*

*bok!*

"Arraaaaggghhhh~...." daing nila habang nakawak sa kanilang nga ulo.

"para aayusin lang ang buhok akala mo naman kung ano ehh..." napasipol si Zakusa.

"bakit niyo pa kase kami aayusan? Eh tama na tong buhok ko---" pinutol ni Yuki ang sinasabi ni Kiyota.

"Wag ka na ngang maarte... Upo dito!" hinila ni Yuki si Kiyota at pinaupo.

Ganun rin si Zakusa kay Hanamichi.

"Gusto mong gumwapo, Tama?" bulong ni Zakusa kay Hanamichi.

"Ano bang pakealam mo?" masungit na tanong rin ni Hanamichi.

"Akala mo ba hindi ko alam na may gusto ka dun sa Assistant Manager ni Mari?"

Tiningnan ni Hanamichi ng masama si Zakusa... "Chismoso ka rin e noh?"

Napatawa ng mahina si Zakusa sa asal ni Hanamichi.

"Hahahaha alam mo nabubwisit ako sayo... Pero pasalamat ka dahil type ko ang buhok mo." natatawang sabi ni Zakusa at tinanggal ang ipit sa buhok ni Hanamichi.

"Huyyyy anong gagawi---"

"Ssssshhhh... Akong bahala sa buhok mo. Gagawin natin itong Long Hair-up undercut.... Tulad sakin." napatingin si Hanamichi ng direkta sa kanya

Ngumiti si Zakusa at pinakita niya sa likuran niya ang manipis at nakatirintas na buhok hanggang bewang. Kung titingnan mo sa harapan si Zakusa ay hindi mo aakalain na may mahabang buhok ito sa likuran niya.

"Ehh paano ako?" tanong ni Kiyota.

"Ako nang bahala sa buhok mo... Hindi ko na kailangang gupitan yan. Aayusin ko lang ang pagkakaipit dahil masyado na ring mahaba ang buhok mo... Atsaka bakit violet ang head band mo?" tanong ni Yuki kay Kiyota.

Napahawak si Kiyota sa Headband niya.

"Kasi ang headband nato ay ginagamit ko pa nung nasa Kainan High pa ako, kaya memorable sakin ang bagay nato..." sagot ni Kiyota.

Napaismid si Yuki, may dinukot siyang bagay sa maliit niyang bag at kinuha nya ang magkapares na pulang headband at ipit.

"Nakikita mo ito? Ito na ang bagong kulay na babagay sayo... Ang Pula. Kapag sinuot mo na ito ay ibig sabihin nagsisimula ka na sa New Chapter ng Basketball College Matches mo. Gets mo ako?" ngumiti si Yuki sa kanya.

Kusang tumango si Kiyota sa sinabi niya.

"Okay... Ang hairstyle na gagawin ko sayo ay itong akin. Head band na pula at pony tail lang. Sa maniwala ka sa hindi mas kumportable maglaro pag ganyan ang hairstyle mo." Yuki.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now