CHAPTER 35: Tokyo Vs. Osaka

597 22 4
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

(Ps: Typo Errors Ahead!)

CHAPTER 35: TOKYO VS. OSAKA

THIRD PERSON'S POV

SA AUDIENCES... Napatingin sina Haruko sa nagbabalik na si Morisuke.

"Bumalik na ang Team Captain ng Osaka sa court, ibig sabihin dalawang center na ang nasa loob." wika ni Haruko.

"Nako magiging problema ito, halatang kumukulo ang dugo ni Hanamichi sa kanya eh..." wika rin ni Mito habang nakatingin sa gawi nina Hanamichi at Morisuke na matalim na nakatingin sa isa't-isa.

"Ano ba naman ang dalawang yan, laro lang ito kaya dapat walang personalan." singit ni Takamiya.

"Tama ka dyan, kung magpapadala sila sa mga emosyon nila baka magkagulo pa." singit rin ni Mutsui.

"Sana naman habaan pa ni Sakuragi ang pasensya niya, nakaapat na foul na siya eh..." nag-aalalang wika ni Fujii.

"Ohh sige pustahan na lang... Pupusta ako ng dalawang-daan mapafoul-out si Hanamichi dyan, oh ano?" nakangising tanong ni Ohkusu.

"Sige! Ako dalawang daan din, mapafoul-out si Hanamichi!" Takamiya

"Ako rin, mapafoul-out siya!" Noma

"Ako rin, dalawang-daan... Pero dun ako sa HINDI siya mapafoul-out." Mito

"Ehh sure ka dyan, Yohei?" Takamiya

"Oo naman, may tiwala ako kay Hanamichi..." Mito

SA COURT... Dahil sa foul na nangyari kina Sendoh at Gyoku, sa Osaka ibinigay ang bola.

"Sampung minuto na lang, maglaro kayo nang maayos at patas!" sabi sa kanila ng Referee.

"Oo!" sila

Pagkatapos nun ay pumito ang Referee at sinimulan na nag Osaka ang opensiba.

Dahil sa substitution ng Osaka ang nasa court ngayon ay sina Hayato, Raito, Kentaru, Gyoku at Morisuke. Sina Hanamichi at Daisho ay nagdesisyon na magpapalit sila nang babantayan nila, si Daisho ang magbabantay kay Gyoku at si Hanamichi naman kay Morisuke.

(Dribbling...)

Si Raito ang may hawak ng bola at dinidribol ito patungo sa half-court nila. Si Nishizaki ay parehong nakipagtitigan kina Daisho at Watanabe saka nagsitanguan. Nang ipasa ni Raito ang bola patungo sa Point-guard nilang si Kentaru ay agad sumulpot si Watanabe sa gawi nila at pinalo ang bola patungo kay Daisho.

Pagkasalo ni Daisho, bago nagkaroon ng reaksiyon si Gyoku ay agad niya itong ipinasa kay Kiyota na malayo sa kinaroroonan ni Hayato.

"ANG BILIS NG PASA NUNG NO.12 OHH!"

Tumalon si Kiyota at nasalo nito ang bola. Bago pa man makalapit si Hayato sa kanya ay gumawa ito ng jumpshot.

*SHOOT!*

Nagsihiyawan na naman ang taga suporta ng Tokyo. Pati na ang nakabangkong player ng Team nila.

"Magaling, Kiyota." wika ni Maki mula sa upuan.

"Ang galing ng anak mo, Maki. Manang-mana sayo." sabi ni Sendoh sa kanya saka tumawa.

"Dapat lang na makuha niya ang abilidad ko sa laro, ako palagi ang kasama niya sa training bago siya nag Second Year sa Kainan High." Maki

"Malaki ang potensyal ni Kiyota na maging katulad mo, Maki. Barumbado nga lang..." natatawang sabi ni Jin.

"Malaki ang ekspektasyon ko sa kanya, sana hindi niya ako bibiguin..." Maki

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon