Chapter 38: Gloomy

1K 28 5
                                    

© EynJey 2014

Chapter 38

1 month na rin simula ng ma-comatose si Axl. After din na madischarge ako ay nagpresinta na ako kay Tita Mel, mommy ni Axl na ako na ang magbabantay dito lalo pa't may mga trabaho sila. Pumayag din naman sila pati na rin si Mommy kaya everyday nasa hospital ako.

"Axl, Monday na ngayon, January 26 na. Masarap ba talaga 'yung tulog mo kaya ayaw mo pang gumising? Pwede mo naman 'yan ipagpatuloy sa ibang araw e, dumilat ka na please." Lagi kong kinakausap si Axl kahit hindi ko alam kung naririnig niya ba ako o hindi.

May nabasa kasi ako na 'pag ang isang tao daw ay comatose, pwede itong kausapin dahil minsan daw ay naririnig nila 'yung mga sinasabi ng mga tao sa paligid nila.

Matagal na nga palang lumipas 'yung New Year at syempre, sa hospital kami nagcelebrate nun.

Nagkwento lang ako ng kung anu-ano kay Axl tapos ay binuksan ko 'yung t.v. sa kwarto niya at sabay kaming nanood.

Tawa ako ng tawa dahil sa mga joke nung host at nagulat na lang ako nang may luhang pumatak mula sa mga mata ko ng makita kong ganun pa rin ang ayos ni Axl, nakahiga sa kama niya at tahimik na nakapikit lang.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap 'yung nangyari sa kanya. Hindi pa rin nagsi-sink in sa utak 'yung nangyari noon at hanggang ngayon, sinisisi ko pa rin ang sarili ko.

Kung hindi naman kasi dahil sa akin, wala naman dito si Axl sa hospital. Hindi manganganib 'yung buhay niya at mas lalong hindi dapat siya comatose ngayon. Masaya sana namin siyang kasama ngayon at kahit hindi ko naman siya pinapansin noon e nakikita ko naman siyang masigla at malakas.

Mga hapon na siguro ng dumating sila Dara, Yuriel at 'yung kambal dun sa hospital.

"Kamusta ang pagbabantay mo Jill?" tanong sa akin ni Aki saka siya tumabi sa akin.

"Ok lang naman."

"Dinala ko na nga pala 'yung mga copies nung mga lesson natin best dun sa bahay niyo. Kay Tita ko na lang inabot at ilalagay na lang daw niya 'yun sa kwarto mo." Sabi naman ni Dara.

"Ito talagang si Axl, mukhang napapasarap na ang tulog." Naiiling na sabi ni Ara. "Oy Axl, tayo na dyan, marami ka pang dapat gawin at ang dami mo ng lesson na na-missed. Baka 'di ka maka-graduate niyan." Dagdag niya. Wala din nangyari dahil pikit pa rin si Axl.

Si Yuriel naman ay tinapik lang ako sa balikat tapos umupo siya dun sa sofa malapit lang sa kama ni Axl.

Tama, hindi na muna ako pumapasok sa school. Ipinaalam na rin naman ako ni Mommy tsaka ni Tita Mel dahil nga sa ako ang nagbabantay kay Axl.

Marami-rami na rin 'yung mga ka schoolmate namin na nakakakilala kay Axl ang bumisita sa hospital at nangangamusta.

"Nga pala Jill, nakapaskil na sa bulletin board 'yung tungkol sa J.S. Prom natin sa 2nd week ng February." Sabi sa akin ni Dara habang kumakain nung mansanas na hiniwa niya.

Oo nga pala, malapit nang mag-February at syempre, dahil 4th year na kami ay may J.S. Prom kami. Gusto ko sana na si Axl ang makapartner ko kaso 'di pa naman siya gumigising. Siguro hindi na lang ako a-attend at magbabantay na lang ako dito sa hospital.

"Narinig mo 'yun Axl, malapit na 'yung J.S. kaya kung gusto mong maka-attend dumilat ka na dyan." Sabi ko sa kanya habang hawak hawak ko 'yung kamay niya. Tulad pa rin ng dati, wala pa rin akong nakuhang response mula sa kanya.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now