Chapter 18: Sci-Math Week

2K 57 0
                                    

© EynJey 2014

Chapter 18

Accept?

Ignore?

Bakit ko naman ii-ignore kung pwede ko naman i-accept?

Atsaka bakit ko naman ia-accept e pwede ko naman i-ignore?

Argh! ACCEPT na lang tutal kilala ko naman siya e.

Kilala ko nga ba talaga?

Click Accept

Ayan na, friends na kaming dalawa.

Na-accept ko na kaya naman nag log-out na ako. May laban pa naman kami ni Yuriel bukas sa school. Kailangan ko pang i-kondisyon yung boses ko para naman manalo kami.

Excited na medyo kinakabahan ako.

Hanggang sa makatulog ako e yung contest lang ang naisip ko.

"Anong oras na kaya bumangon ka na diyan!" halos sumakit yung tenga ko dun sa sumigaw sa akin.

Hindi naman ganun si mama manggising sa akin kaya naman dinilat ko yung mata ko at nakita ko si Yuriel na nasa loob ng kwarto ko at naka-uniform na.

1

2

3

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" sumigaw talaga ako ng malakas na halos patakbo ng pumasok ang Mommy ko sa kwarto.

"ANONG GINAGAWA MO SA KWARTO KO!?" nakasigaw pa rin akong nagtanong sa kanya dahil sa sobrang gulat ko na bigla na lang to sumulpot sa kwarto ko.

"Obvious ba?" sarcastic na tanong niya. "Malamang ginigising ka, anong oras na o?" dagdag pa niya sabay tingin dun sa wrist watch niya.

"Mommy!" bumaling naman ako sa magaling kong ina. "Bakit mo naman pinapasok ang isang to sa kwarto ko?" nagmamaktol na tanong ko sa kanya.

"Maaga kasi yang dumating dito at sinabi na kailangan niyo daw pumasok sa school ng maaga, e tulog ka pa kaya sabi ko gisingin ka na lang." paliwanag naman ni Mommy. "Kala ko naman kung napano ka na, bumaba na kayo at naghanda na ako ng umagahan dun." tapos bumaba na siya.

Naiwan na lang kami ng baklang to dito sa kwarto ko. Kaloka naman ang isang to, feeling ko aatakihin ako sa puso kanina e.

"Ano pang ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. "Bumaba ka na! Mag-aayos na ako." sabi ko naman saka siya tinulak tulak paalis ng kama ko.

"Layas na! Layas!" tapos tinutulak ko na siya paalis.

"Oo na, aalis na ako, di mo na ako kailangang ipagtulakan pa." sabi niya tapos inayos niya yung sarili niya. "Saka wag ka nga masyadong magsalita sa harap ko, ang baho baho pa ng hininga mo." tapos mabilis siyang lumabas ng kwarto ko.

ANO DAW!? MABAHO ANG HININGA KO!?

"HOY! ANG KAPAL MO! FYI MABANGO HININGA KO KAHIT BAGONG GISING AKOOOOOOOOO!" sigaw ko na feeling ko e narinig naman yata niya dahil sa sobrang lakas.

Ang kapal ng mukha, baka bibig niya ang mabaho, kaasar.

Pumasok na nga ako ng C.R. at ginawa na ang mga dapat kong gawin saka bumaba papunta sa kusina.

Nadatnan ko sila dun na nasa dining table na at handa ng kumain.

Napansin ko rin na wala na dun si Daddy. Siguro maaga na naman yun pumasok, napapadalas na nga yun e.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now