Chapter 28: The Real Story

1.4K 44 6
                                    

© EynJey 2014

Chapter 28

"Kung Mommy mo siya Jill, ibig sabihin..."

Nagtataka lang akong napatingin kay Aki dahil sa sinasabi niya.

"...ibig sabihin ikaw si Ara na kababata namin." dugtong niya.

Pakiramdam ko tumigil yung mundo dahil sa narinig ko.

A-ano daw?

Ako yung kababata nila?

Imposible!

"A-ano ba yang p-pinag s-sasabi mo,Aki." nanginginig na tanong ko sa kanya. "H-hindi magandang b-biro yan."

Tumawa pa ako para di nila mahalata na nanginginig ako at kinakabahan.

Tinignan ko silang lahat pero seryoso lang ang mga mukha nila na para bang isa akong baliw na nag-iisang tumatawa sa sitwasyon ngayon.

"Totoo ang sinasabi namin Jill, hindi kami nagbibiro." seryosong sabi ni Ara.

Napatawa naman ako bigla na tila ba iniisip ko na lang isang joke yung mga sinasabi nila.

"Imposible naman yata ang mga sinasabi niyo, hindi ba matagal ng patay yung kaibigan niyo na yun? Atsaka, hindi ko kayo kilala bilang mga kababata ko dati, wala akong maalala na kahit isang pangyayari na kasama ko kayo nung bata ako."

Wala talaga akong maalala, and worse, parang wala akong mga memories nung bata pa ako.

"Nagsasabi kami ng totoo Jill, kahit tanungin mo pa si Tita Jacque para masabi mong hindi ka namin niloloko."

Napatingin naman ako kay Mommy na tahimik lang na nasa gilid at nakatingin sa akin.

"Totoo po ba yung mga sinasabi nila Mii?" maluha luhang tanong ko sa kanya.

Bigla naman niya akong niyakap ng mahigpit atsaka siya umiyak ng umiyak.

"I'm sorry anak, I'm really really sorry." paulit ulit na sinasabi niya habang naka yakap sa akin.

So totoo nga lahat? Pero pano?

Paano nangyari yun?

Iniwan ni Mommy ang party sa pangangalaga nung iba naming mga maids, at pati na rin kanila Daddy tapos pumunta kami sa kwarto ko at doon daw sasabihin ni Mommy ang lahat.

"Upo muna kayo." sabi ni Mommy kanila Aki tapos umupo sila dun sa mini sofa na nasa kwarto ko.

Umupo naman ako dun sa kama ko katabi si Mommy.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now