Chapter 31: What is Real?

1.3K 41 7
                                    

© EynJey 2014

Chapter 31

"Kumain ka ng marami Chiara ng tumaba taba ka naman." Nilalagyan niya lang ng kung anu-anong pagkain yung plato ko na halos mapuno na rin.

"Di naman ako baboy kumain Yuriel, ang dami ng mga nilagay mo."

"Ok lang yan, ng magkalaman ka naman." tapos tumawa lang siya at umalis na kami dun sa buffet ng mga pagkain, baka mamaya, kung ano na namang pagkain ang ilagay niya sa plato ko.

Umupo na kami dun sa table kasama yung ibang teenagers na kaedaran lang din naman namin. Sila din ay dinala ng parents nila dito sa party para daw ipakilala sa mga kaibigan, kaya kahit papano, nakaka relate kami sa bawat isa.

"Hala, bakit ang konti lang ng kinuha mong pagkain baby Xan." maarteng sabi nung katabi ni Yuriel na si A ng maka-upo na kami. Ewan ko ba sa babaeng yan, simula ng makilala namin, mainit na ang dugo ko sa kanya, pano ba naman kasi, ang landi masyado.

Nginitian lang siya ni Yuriel. "Busog kasi ako e." tapos humarap naman siya sa akin. "Ubusin mo yan." bulong niya. Sinamaan ko nga ng tingin, grabe naman, tingin niya sa akin, di pinapakain sa bahay?

"Ang dami mo namang pagkain Jill, di ka ba pinapakain sa inyo?" tapos tumawa si A pagkasabi niya nun. Sasagutin ko na sana siya pero si Yuriel na ang sumagot para sa akin.

"Gusto ko kasi malusog yung GIRLFRIEND KO kaya ako ang naglagay ng mga pagkain sa plato niya, di ba honey?" tapos humarap siya sa akin with twinkling eyes.

Ngumiti ako saka tumango. "Oo, honey. Ang sweet mo nga e, kaya loves na loves kita." pabiro kong kinurot yung magkabilang pisngi niya. Bigla namang namula si Yuriel at nag-iwas ng tingin tapos nagsimula ng kumain. Anyare sa isang to?

"Bagay na bagay talaga kayo Jill." kinikilig na sabi sa akin nung katabi ko sa kaliwa na si Faye. Tumango naman yung iba pa naming kasama na sa table na sina M.J, Lee, Sam at Christoff. Nginitian ko naman sila. "Di naman masyado."

Grabe, ang hirap naman ng ganito. Habang kumakain kami ay nagkakwentuhan naman kami ng kung anu-ano, about sa studies, likes and dislikes, mga ganun.

"Ako, ang ayoko sa lahat yung mga feelingera." sabi ni A nung ang pinag-uusapan na namin ay tungkol sa mga ayaw at gusto. "Yung feeling maganda, mga ganun." sinasabi niya yun habang nakatingin sa akin tapos bigla siyang kumapit sa braso ni Yuriel. So anong gusto mong palabasin? Dukutin ko yang mata mong malandi ka e.

"Ako naman, ayaw na ayaw ko yung mga higad na tao." turn ko naman para mag share sa kanila. "Yung tipong may girlfriend na yung tao, NILALANDI pa." turn ko naman para tignan siya habang sinasabi ko yun. Isaksak mo yan sa kokote mo na malandi ka.

"Chill lang guys." sabi ni Lee sabay tawa kaya naman nawala na yung dark aura dun sa pwesto namin.

Pasalamat kang babae ka, may manners pa ako, dahil pag wala tayo dito sa party na to, ipapakagat kita sa mga hantik, kala mo. Bigla namang hinawakan ni Yuriel yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya at nginitian niya ako. Ngumiti rin ako pabalik sa kanya.

"Hey Jhasper, nandyan ka na pala!" narinig kong sabi ni Christoff dun sa tao sa likuran ko banda.

"Oy, kamusta na kayo? Long time no see." napatingin sa akin si Yuriel at ako naman ay hindi alam ang gagawin, boses pa lang, alam ko na kung sinong Jhasper yung tinutukoy ni Christoff.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now