Chapter 4: The Garden Scene

3K 81 11
                                    

© EynJey 2014

Chapter 4

Pagpasok ko sa room e nagtinginan sa akin ‘yung mga classmate ko. ‘Yung iba sa kanila e medyo natatawa pa pero hindi naman nila pinapahalata, ang sama kasi ng tingin sa kanila ni Dara e.

Napansin ko rin si Yuri na ang sama ng tingin sa akin at nakairap pa. Grabe talaga 'tong baklang 'to, bakit ba ang init ng dugo niya sa akin?

Umupo na lang ako agad sa pwesto ko at maya-maya pa e dumating na rin si Ma’am T.L.E. at nag discuss lang ng kung anu-ano. Tungkol sa mga table setting tapos proper etiquette and etc. Medyo nakakatuwa nga kasi magkakaroon kami ng practical test at kailangan e gawin namin ng tama ‘yung tinuro ni Ma'am para mataas ang grade na ibibigay niya.

Groupings ‘yung magiging test namin sa T.L.E. at sa kasamaang palad nga naman e kagrupo ko si bakla. Oo, kagrupo ko siya. Bakit nga ba kasi kahilera namin siya ng row? ‘Yan tuloy, magkakagrupo kami. Nakakaasar lang talaga, dapat pala lumipat ako ng row para malayo ako sa kanya.

Ito namang katabi ko e tuwang tuwa at magkagrupo daw kaming dalawa. "Buti na lang talaga at matalino si Ma’am." bulong niya sa akin. Pano ba naman kasi e nag-e-explain pa si Ma’am sa may harap ng kung ano ang mga dapat naming gawin at kung ano ang mga dadalhin.

"Obvious naman na matalino si Ma’am e. Bakit mo naman nasabi ‘yan?"

"E kasi hindi alphabetically 'yung groupings na ginawa niya, pag nagkataon ang layo natin sa isa't isa dahil A ka at C ako. Buti nga by rows ‘yung ginawa niya e."

Nginitian ko lang siya ng mapait kaya tumingin siya sa akin ng nagtataka. "Bakit ganyan mukha mo? Ayaw mo akong kagrupo?"

Best naman, kung alam mo lang ang nararamdaman ko ngayon. "Wala akong sinabi na ayaw kitang kagrupo, pero isipin mo na kagrupo din natin sila bakla." pagkasabi ko nun e napatingin siya sa likuran ko. "O anong meron kay bakla?" nagtatakang tanong niya.

Ewan ko lang kung may amnesia ba ang isang ‘to o ano, parang 'di naman niya alam na mainit ang dugo sa akin ng baklang 'yun. "Wala wala." sabi ko na lang para matapos na.

Nakinig na lang kami kay Ma’am at sinabi niya rin na by end ng August namin ipepresent ‘yung mga tinuro niya at dahil first week pa lang naman e may 3 weeks pa kami para maghanda. Medyo mahaba haba na rin para makapag prepare ng maayos.

"But there is a challenge for your presentation." sabi ni Ma’am kaya naman napatingin kaming lahat sa kanya. "You are not allowed to use the utensils and any kitchen ware in our T.L.E. Room, in short, you'll be the one who'll provide your own utensils and anything for your presentation. You should discuss it with your groupmates for you to divide all the materials properly. Good luck and I hope to see a good and proper presentation from your section." tapos nun dinismiss na niya kami at lumabas na siya ng room.

‘Yung iba kong classmate e nagpuntahan na sa mga kagroup nila para daw mapag-usapan ‘yung ibang gagawin dahil may 15 minutes pa naman kami bago mag next subject.

‘Di ko nga alam kung paano ako makikiharap kay Yuri dahil alam niyo naman ang lola niyo, dinaig pa ang babaeng may dalaw at ang kontrabida sa mga palabas kung mang-api ng kapwa.

Tumabi nalang ako kay Dara nung tinawag na kami ng iba naming kagroup. Ewan ko nga kung bakit natatakot ako kay Yuri e, siguro dahil kahit papano e lalaki pa rin siya at malakas, marami siyang pwedeng gawing masama sa akin lalo pa't mainit ang dugo niya sa akin.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now