Prologue

6.7K 125 17
                                    

© EynJey 2014

Prologue

"Ang gwapo gwapo niya talaga best." kanina pa na sinasabi ng best friend ko dito sa tabi ko.

"Oo na gwapo na siya." iritadong sagot ko. "Pero 'wag ka ng umasa dyan dahil 'di kayo talo." tapos inirapan niya ako dahil dun sa sinabi ko.

Pa'no ba naman kasi, kanina niya pa tinititigan 'yung classmate naming bakla na busy-ing busy makipag harutan dun sa mga kaibigan niya.

Totoo naman kasing gwapo yun, marami ngang nanghihinayang dahil bakit daw naging bakla, sayang daw ang lahi dahil 'di mapapakinabangan.

"Nakakainis talaga!" tignan mo 'tong kasama ko, kanina lang kinikilig tapos ngayon naman nagmamaktol. "Bakit kasi siya naging bakla!? BAKIT!?"

Tinawanan ko na lang siya, para talaga siyang ewan sa itsura niya ngayon.

"Bakit kasi nagkagusto ka sa bakla?" tanong ko sa kanya. "Ang dami dami namang gwapo dyan pero sa kanya ka pa talaga nagkagusto." ako naman ngayon ang umirap sa kanya.

Nagcross-arm lang siya tapos humarap sa akin. "Bakit ikaw, wala ka bang gusto sa kanya?"

Halos sumuka na ako kahit wala naman akong isusuka dahil sa sinabi niya.

"AKO!?" turo ko pa sa sarili ko. "AS IN AKO TALAGA MAGKAKAGUSTO SA KANYA?" tapos tumango-tango siya. Inismidan ko siya tapos tinawanan niya lang ako. "Kahit sa hinagap 'di ko maisip na magkakagusto ako sa baklang 'yan, NEVER!"

Tinapik tapik niya ako sa balikat. "Best, 'wag magsalita ng tapos, 'di natin alam ang mga pwedeng mangyari." tapos tinawanan niya ulit ako.

Tignan mo nga naman talaga ang isang 'to. kanina siya 'yung kilig na kilig dun kay bakla tapos ngayon naman parang ibinebenta niya pa sa akin na magkagusto ako. Ang weird talaga nitong best friend ko.

"'Di talaga ako magkakagusto dyan." desididong sagot ko sa kanya. "Iniisip ko pa lang na mag boyfriend/girlfriend kami halos 'di ko na masikmura. At alam mo naman na inaaway ako ng isang 'yan. Baka bugbugin lang niyan ako pag naging kami."

Nginitian niya lang talaga ako. "Ingat best. Baka lunukin mo 'yang mga sinasabi mo balang araw."

Walang gana ko siyang tinalikuran at pumasok na lang sa loob ng classroom namin. "'Di ko lulunukin 'yung mga sinabi ko kasi 'di naman 'yun nakakain."

Pagtingin ko sa best friend ko e ang sama ng tingin sa akin. "Tatawa na ba ako?" sarkastikong tanong niya sa akin. "Ipaalam mo lang kung kailangan ko ng tumawa ha, 'di kasi ako informed kung nag-jo-joke ka ba o hindi."

Inirapan ko siya. "Oo na! Basta, sigurado ako sa sinabi ko, hin.di.a.ko.mag.ka.ka.gus.to.sa.bak.lang.yun." tapos umupo na lang ako sa pwesto ko at tumabi na siya sa akin.

'Di naman talaga ako magkakagusto sa baklang 'yun e. Alam kong hindi, pero sana lang talaga e 'di ko nga lunukin ang mga sinabi ko ayon sa aking bestfriend.

I WILL NEVER FALL INLOVE WITH THAT GAY. I swear to myself.

~~~~~~~~~~

A/N: Another story na naman na balak kong isulat. Sana lang talaga matapos ko 'to kahit ang dami ko pa na nakatambak na ibang story.

Sana suportahan niyo, thanks. ^_^

~~> EynJey <~~

My Boyfriend is a Gay (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin