Chapter 45: Departure

981 18 3
                                    

© EynJey 2014

Chapter 45

"Axl." napatayo agad siya ng makita niya ako.

"Jill." nakangiti siya habang palapit sa akin. "Kanina pa kita hinihintay, buti dumating ka dito, sinabihan ka ni Aki?" tumango naman ako sa tanong niya.

Umupo ako sa bench na inuupuan niya kanina at sumunod din naman siya at umupo sa gilid ko. Tahimik lang kami at tanging ingay ng mga estudyanteng dumadaan sa likuran namin banda ang maririnig.

Napansin kong napabuntong hininga siya.

"Nasabi na sa akin ni Ara na nasabi na niya sayo ang tungkol sa kalagayan ko." pagsisimula ni Axl. Napatingin naman ako sa kanya dahil halata ang lungkot sa boses niya. "'Yun ba ang dahilan kaya mo ko iniiwasan nitong mga nakaraang linggo?"

Ayaw ko mang aminin pero tumango ako sa tanong niya dahil 'yun naman talaga ang dahilan e.

"Axl, kailangan mong umalis ng bansa. Mas mahalaga ang kalusugan mo." sabi ko sa kanya na may halong pagmamakaawa.

"'Di ako pwedeng umalis dahil--"

"Dahil ba sa akin?" pagpuputol ko sa sasabihin niya. Mahina naman siyang tumango tanda ng pagsang-ayon niya sa itinanong ko.

"Axl, kung kalusugan na ang pinag-uusapan, mas gugustuhin ko pang isipin mo ang sarili mo kesa sa akin. Nandito lang naman ako sa Pinas, hindi naman ako aalis dito and anytime, after mong magpagamot, pwede ka namang bumalik dito e. Naiintindihan mo ba ako?"

"Pero Jill, matatagalan ang pagpapagamot ko dun."

"Wala akong pake kung 10 taon pa 'yan basta ang mahalaga magpagamot ka. Please Axl?" hinawakan ko na ang kanyang kamay. "Hindi naman ito para lang sa akin e, para din ito sa ibang taong nagmamahal sayo, sa pamilya mo, sa mga kaibigan mo, kaya please, pumayag ka na." medyo naluluha pa ako pero pinigilan ko lang dahil ayaw kong ipakita sa kanya na masasaktan ako kapag umalis siya.

Dahan dahan siyang tumango sa akin at ngumiti. "Sige Jill, para sayo, papayag na ako." napangiti na rin ako at hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya.

Masaya ako para kay Axl. Mabuti na rin itong nakausap ko na siya, kesa sa mga panahon na iniiwasan ko siya.

***

~Graduation~

Today is our graduation day. Nakakatuwa dahil finally, tapos na kami sa highschool, pero nakaka-iyak dahil mamimiss namin ang bawat isa, dahil after nito, kanya kanya na kami ng landas na tatahakin towards our dream.

Magkakasama kaming lahat na magkakaibigan at bago pa man magmarcha ay nagpicture taking muna kami and nung mag start na ay pumunta na kami sa pila at nagsimula na nga ang ceremony.

Graduate si Axl bilang Salutatorian at sumunod naman ang kambal bilang 1st and 2nd honorable. Nakakaproud sila dahil ang tatalino nila.

After ng distribution ng diploma ay kinanta na nga namin ang aming graduation song na Break-away. Simula pa lang ng kanta, marami na sa amin ang naiyak hanggang sa halos lahat ay umiiyak na rin at nagyayakapan na sa bawat isa. Grabe, mamimiss ko ang pagiging isang high school student, lahat ng memories ay hinding hindi ko makakalimutan.

After ng ceremony ay hindi muna kami umuwi. Nakipagpicture muna kami sa mga naging teacher and adviser namin. Sumunod naman ay naglabasan kami ng pentel at nagsulatan ng mga messages sa uniform ng bawat isa.

Imbes na pumunta kami sa restaurant para magcelebrate, dumiretso na kaming lahat na magkakaibigan sa airport dahil yun na rin 'yung time ng pag alis ni Axl sa bansa.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now