Chapter 12: Love...

2.3K 66 5
                                    

© EynJey 2014

Chapter 12

Pagkatapos ng dinner at 'celebration' dun sa Sea Food Restaurant e nagsiuwian na kami.

'Yung mga parents nga namin e mga naparami yata ang inom kaya mga tulog na. Buti si Kuya ay ok pa kaya naman may magda-drive sa amin pauwi. Si Yuriel naman ay marunong daw mag drive kaya siya na ang bahala sa parents niya mag-uwi.

Nang maka-uwi na kami ay inihatid lang namin sila Mommy sa kwarto nila saka ako dumiretso sa kwarto ko. Naglinis lang ako ng katawan at pabagsak na humiga sa kama ko.

Grabe, isang araw lang pero ang dami namang nangyari sa akin. Ang daming nakakawindang na mga kaganapan. Langyang 'yan, kaganapan talaga ang term ko. Siguro sa sobrang pagod ko e hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Dumating ang linggo e wala naman ako masyadong ginawa. Nagsimba lang kami tapos gumala sa Mall tapos umuwi na ulit. Si Kuya Chray nga pala e bumalik na sa dorm niya dahil umuwi lang pala 'yun para sa dinner with Tita Xandra, para daw kompleto kaming lahat.

Siguro nga sobrang bilis talaga ng araw kaya minsan hindi mo mamamalayan, tulad ko na lang. Parang kahapon e Sunday lang pero ngayon e Monday na at pasukan na naman.

Nagising ako dahil sa ingay sa baba at sakto namang pagtingin ko sa may orasan ko e 5 na pala kaya naman bumangon na ako, nag inat inat pa ng katawan bago maglinis ng katawan at bumaba na.

Naabutan ko si Mommy na nasa may dining table at nag-aayos ng pagkain habang si Daddy e as usual ay nagbabasa ng dyaryo. 'Yung maingay pala e 'yung t.v. namin na nakabukas at balita ang palabas.

Bumaba na ako at umupo na rin sa may hapag kainan. Kumain lang kami at nagpaalam na nga ako sa kanila na aalis na ako dahil 6 o'clock na at bibiyahe pa ako.

Pumunta na nga ako sa may sakayan ng jeep at naghintay saglit at maya maya pa e dumating na nga si Dara na mukhang tumakbo pa dahil hingal na hingal.

"P-pasensya na-- k-kung napaghintay-- k-kita Jill." medyo hinihingal na sambit niya. Nagkibit balikat lang ako dahil sanay na ako sa best friend ko na ito na lagi namang ganito.

Sumakay na nga kamI sa dumating na jeep at dumiretso na ng school. Pagpasok namin ng gate e nagtaka pa kami na parang ang dami yatang estudyante dun sa may open field kaya naman tumakbo na kami papunta ng room at napag-alaman nga namin na may assemble daw kaya nagmadali kaming sumunod dun sa ibang estudyante.

Nakapila na kami at napansin ko lang na parang wala yata ngayon si Yuri-- ay Yuriel na lang pala. Kanina pa ako tingin ng tingin dun sa pila ng mga boys pero wala naman siya.

Good vibes na nga ako dahil nakita ko si Axl na nakangiti at halos tumawa na pero siya e hindi ko man lang napapansin -- Ay teka nga! Bakit ko nga ba hinahanap yung lalaki-- ay este bakla pala na yun!? Bahala siya sa buhay niya.

Siguro e hindi na nga ako nakikinig sa may harapan e bigla ko na lang narinig na nag thank you 'yung principal namin at bumaba na dun sa may flat form. 'Yung mga estudyante naman e nagsimula ng maglakad ng by line at by year yata pero padiretso naman ng gym kaya naman kinalabit ko na si Dara na nasa harap ko.

"Anong meron?" kunot noong tanong ko.

Nagkibit balikat lang siya. "Ewan ko, may importante daw na ipakikilala kaya kelangan daw pumunta ng gym."

"Sino 'yun?"

"Aba'y anong alam ko dun." sagot naman niya at turn na pala namin para maglakad. "Hindi ka na naman siguro nakikinig? Sabi ko sayo 'wag ka masyadong mag day dream dun sa 12 bakla na EXO, 'yan tuloy, nawawala ka sa wisyo." sagot niya habang naglalakad kami.

Ako naman e sumulyap pa kay Axl na nakangiti at sa sobrang kilig ko e bigla kong nabatukan si Dara sa harap ko kaya napasigaw siya bigla na siyang ikinagulat ko.

"Sorry best." sabi ko sa kanya habang niyayakap siya sa likod. "Sorry talaga, hindi ko sinasadya."

Hinimas himas lang naman ni Dara 'yung tinamaan ko. "Kakasabi ko lang e, delikado talaga 'yang EXO EXO na 'yan e."

"Oi, hindi naman EXO 'yung dahilan e kaya 'wag mo ngang sisihin 'yung mga boyfriend ko, nananahimik sila e, ginagambala mo pa." sabi ko naman sa kanya at nakapasok na nga kami ng gymnasium at 'yung ibang mga estudyante e ang ingay ingay kaya may noise pollution tuloy.

"Oo na! Oo na!" sabi ni Dara. " Hindi na 'yung mga bakla mong jowa na halos magkakamukha lang naman, tsk. tsk."

May sasabihin pa sana ako kaso nakita ko na naman 'yung principal namin na umakyat ng stage dun at nagsalita.

"Good Morning again students!" nakangiti niyang bati.

"Good Morning Sir!" sagot naman namin.

"As I've told you earlier, we have a very important visitors today, the people behind our successful school. And without them, maybe we're not here where we are standing." tuloy tuloy na sabi nung principal. "I would like to introduce to all of you, the owner of this school, Mr. and Mrs. Husain (A/N: read as yuseyn) together with their beautiful and gorgeous twin daughter, Ara Yoshi and Akira Yusta. Let's give them a round of applause!"

Nagpalakpakan kaming lahat at umakyat na nga sa stage ang apat na tao na binanggit nung principal. Grabe, ang gaganda nga nung mga anak nila, mukhang mga Koreana na Hapones na ewan ko. Basta, may mga lahi yata e, pangalan pa lang amoy ibang bansa na.

Siguro umabot din ng 1 hour 'yung pamamalagi namin ng gym na wala namang masyadong ginawa, nagbigay lang ng message 'yung mga may-ari ng school kaya halos hindi na kami nakapag first subject which is 'yung Physics kaya itong katabi ko na si Dara ay bad vibes na naman dahil hindi na naman daw niya makikita si Sir. Tumawa na lang ako at hindi na nakinig sa mga hinanaing nitong katabi ko.

Pinabalik na nga kami ng classroom at halos matigilan ako ng makita ko si Axl na tumatawa... kasama 'yung dalawang kambal na may lahi dun banda sa may building ng year namin. Ang dami ngang nakatingin sa kanila at mukhang mga nakiki-usyoso.

Bakit ganun, parang ang sakit yata sa pakiramdam na makitang masaya 'yung taong gusto mo kasama ng iba? Ang sakit masyado sa mata na nakikipag tawanan siya sa mga 'yun na parang ang tagal tagal na nilang magkakilala.

Tinapik ako sa balikat ni Dara saka nginitian. "Ganyan talaga ang mga taong inlove best... nasasaktan kahit hindi mo man gustuhin dahil hindi naman laging saya ang mararamdaman mo 'pag nagmahal ka e." pagkasabi niya nun e napatingin ulit ako kanila Axl at nakita ko silang paalis na habang nakakawit yung dalawang kambal sa mga siko ni Axl.

Napangiti na lang ako ng mapait.

Siguro nga...

Love na itong nararamdaman ko para sa kanya.

~~~~~~~~~~

A/N: Ano ba yan! Bigla ko na lang naitype yung panghuling scenario sa chapter na ito at hindi iyon ang gusto kong ilagay pero wala na, naitype ko na. Touch move kumbaga, harhar.

Inspired yung word of wisdom ni Dara para kay Jill sa kwento ng "DNHMSL" na hindi puro saya pag nagmahal ka.

Anyway, another short mobile update. Siguro habang hindi pa talaga ok si lappy e mobile na ang gagamitin ko para naman hindi matengga ang kwentong ito, hahaha. Sorry nga pala sa mga typos. :)

Thanks for reading! ^_^

~~> EynJey <~~

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now