Chapter 33: Palawan Vacation (Part II)

1.2K 40 2
                                    

© EynJey 2014

Chapter 33

"Axl?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Nginitian naman niya ako. Problema nito?

"Good Afternoon, mukhang bagong gising ka pa a?" pano niya nalaman? May muta ba ako sa mata?

Medyo pinunasan ko naman yung mga mata ko dahil baka meron nga tapos maturn off sa akin si Axl, ang sakit kaya nun sa puso. Inayos ko na rin ng konti yung buhok ko dahil baka mamaya buhaghag na pala dahil sa likot kong matulog. Tumawa naman siya ng konti dahil sa ginawa ko. Wala naman palang problema sa akin e, baka nahulaan lang niya, tama, baka nga nahulaan niya, kung anu-ano pa kasi iniisip ko e.

"Hehehe, oo e, medyo napagod lang sa biyahe. Bakit ka nga pala nandito?" iniba ko na yung usapan dahil medyo nahiya ako sa kanya.

"Lunch time na, kumakain na sila baba, pinuntahan na kita dito dahil baka nagugutom ka na." aww, concern pala siya sa akin, ang sweet naman niya, kinikilig tuloy ako. Sakto naman na naramdaman ko yung pagkulo ng tiyan ko kaya naman tumango na ako sa kanya.

"Sige, sandali lang a." pumasok ako sa kwarto tapos naghilamos at nagsuklay na rin, nag-ayos ng sarili at ng ok na ako e lumabas na ako at sumabay na sa kanya papunta dun sa kinakainan nung mga kasama namin.

"Sabi ni Aki, gagala daw mamaya." sabi ni Axl habang pababa na kami.

"Ah, masaya yun." yun lang nasabi ko. Nahihiya kasi ako e, atsaka di pa ako masyadong komportable kay Axl, oo, hindi pa talaga.

"WAG MO NGANG KUNIN YUNG PAGKAIN KO!"

"DI MO NAMAN KINAKAIN E, SAYANG NAMAN!"

"IBALIK MO SABI SA AKIN YAN E!"

Naabutan naming nag-aaway si Dara at Yuriel nung dumating na kami sa restaurant na kinainan rin namin kanina ng breakfast.

"Hi Jill!" bati sa akin ni Aki nung makita niya kami. Si Ara naman ay nginitian ako. Nakakapanibago talaga si Ara, hindi kasi siya masyadong nagsasalita. Siguro dapat na nga akong masanay.

"Hello." nginitian ko naman silang lahat tapos umupo na nga ako dun sa may tabi ni Dara na hanggang ngayon e hindi pa rin maka move on dun sa pagkain niya kahit nasa loob na ng bibig ni Yuriel.

Kumain lang kami dun at pagkatapos e nagpahinga lang saglit at umalis na nga kami para mag libot libot dun sa resort nung kambal.

"Ang ganda talaga dito. Parang sa boracay yung buhangin, ang puti." tuwang tuwa naman si Dara habang naglalakad kami sa may dalampasigan at nakayapak/naka paa na nga siya e para daw mas feel niya yung buhangin.

Ang dami rin palang pumupunta dito sa resort nila dahil ang dami naming nakakasalubong na karamihan ay mga foreigner tapos yung iba e mga nagbabaksyon.

"May party mamaya malapit sa may sea side, punta tayo." napatingin ako kay Aki dahil dun sa sinabi niya. Yung iba naming kasama e tumango na sign na pumapayag sila kaya tumango na rin ako.

Nung nagsawa na yata silang maglakad e naisipan nilang maglaro sa tubig. Kaya ayun, napasali na rin ako sa basaan at buti na lang hindi nila ako masyadong pinupuntirya, si Dara, at yung kambal yung kawawa dahil basang basa na sila kasi pinagtutulungan sila ni Yuriel at Axl samantalang ako e pinoprotektahan nila.

"ANG DAYA!" sigaw ni Aki kahit tuloy tuloy lang si Axl sa pagbasa sa kanya.

Tawa lang ako ng tawa dahil sa mga hitsura nila, mukha na silang mga basang sisiw na ewan.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt