Chapter 13: Preparation

2.2K 65 4
                                    

© EynJey 2014

Chapter 13

Pagkatapos nung nakita naming eksena ay dumiretso na kami sa classroom dahil may next subject pa kami na dapat pasukan.

Dumating kami ng room na medyo konti pa lang ang estudyante. Siguro mga naglalagalag muna yung mga yun bago dumiretso dito.

Napansin ko rin na nandito na yung mga friendship ni bakla pero wala naman siya kaya medyo nakakapagtaka. Ayoko rin naman magtanong dahil baka mawindang ang mga to pag ginawa ko yun.

Halos hindi pa ako nakaka-upo sa pwesto ko e pinaulanan na agad ako ng tanong ni Dara kung ano daw ang nangyari nung dinner namin nung Saturday. Diba nga, katext ko tong bruha na to kaya naman ayaw na akong tantanan simula pa nga kanina e.

"Bilis na!" pangungulit niya sa akin. "Magkwento ka na! Wag mo akong bibitinin!" excited talaga ang bruha na makasagap ng balita.

"Eto na po, sasabihin ko naman sayo e, kumalma ka lang." sabi ko sa kanya. "Hindi pa nga ako halos nakaka-upo e." tumawa lang siya at pina-upo na nga ako.

Ayun, kinuwento ko lang naman sa kanya yung mga nangyari simula umpisa, wala talaga akong tinira lalo na yung pinaki-usapan ako ni Yuriel na magpanggap kaming dalawa hanggang sa maging officially in a relationship nga kami at ang gaga e kilig na kilig at sinasabi pa na meant to be daw kami. Halos masuka na lang ako.

Buti na lang pala hindi ko sinabi sa kanya na ang gwapo gwapo ni Yuriel nun dahil kung hindi baka nag hesterical na to dito, grabe pa naman to makapag react.

Ang bilis nga lang ng oras nun e dahil ng dumating ang teacher namin e halos hindi ko na namalayan na lunch time na pala namin. Masyado yata akong naging seryoso ngayon sa pag-aaral kaya hindi ko na namamalayan yung oras.

Lumabas na kami ni Dara at nagkekwento na naman siya ng kung anu-ano at nagjo-joke pa na halos sa sobrang pagiging waley e matatawa ka na lang e. Hindi ka sa joke matatawa kundi sa pagiging waley niya mismo.

Nakarating kami ng cafeteria at feeling ko e gusto ko na lang bumalik ulit ng room at wag ng lumabas pa dun.

Bakit ganun, parang biglang nawala yung mga masasayang moment na kasama ko siya ngayong nakikita ko siya na masaya kasama ang iba, hindi lang isa, dalawa pa. May pagka chick boy pa yata tong si Axl at pinagsasabay yung kambal.

Napansin kong medyo napatingin sa gawi namin si Axl pero ako na lang mismo ang umiwas ng tingin dahil nakakahiya naman na makita niyang nasasaktan ako e ano lang ba niya ako? -- Schoolmate, kaya wala akong karapatang mag inarte pa.

Umupo na kami at tulad ng dati si Dara pa rin ang umorder. Habang naka-upo e naririnig ko yung mga tsismisan nung mga babae sa katabi naming table tungkol dun sa kambal.

"Balita ko dito na daw sila mag-aaral e, sa section A daw sila." sabi ni tsismosa 1.

"Wow! Ang swerte naman talaga ng mga taga section A, anak pa ng may-ari ng school magiging classmate nila. Kung nandun ako e kakaibiganin ko silang dalawa para naman may kapit ako." natutuwa pang sabi ni tsismosa 2.

"Oo nga noh! Kaso hindi tayo section A kaya hindi natin siya magiging friend." nakapout pa na sabi ni tsismosa 3.

Ano ba naman tong mga tsismosa na to, wala man lang akong makuha na kapani-pakinabang na tsismis.

"Pero balita ko, close na close daw yang kambal na yan kay Axl ng section A. Kita niyo naman o, kasama pa nila kumain dito." maya maya e narinig ko na sabi ni tsismosa 2.

Halos lakihan ko na yung tenga ko at ilapit ang katawan ko para marinig ko ang mga sasabihin nila dahil haler, involve na si Axl dun at yun din ang gusto ko ng malaman.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now