Chapter 30: Reunion Party

1.3K 44 8
                                    

© EynJey 2014

Chapter 30

"Mii! Ayoko nga pong sumama sa inyo, ang kulit."

"Sige na baby Jill, gustong gusto kang makilala nung mga kaibigan ko e, atsaka saglit lang naman yun, after kitang maipakilala, pwede ka ng umuwi."

"A-YO-KO-PO!" umakyat na ako papunta sa kwarto ko dahil panigurado, di matatapos yung bangayan naming dalawa ni Mommy.

Pano ba naman kasi, pinipilit akong sumama dun sa Reunion nila nung mga ka-batch niya nung high school.

Duh! Anong gagawin ko dun? Nga-nga ganern? Atsaka, puro may edad na yung mga tao, kumbaga, mga professionals na sila at may kanya kanya na ring pamilya tulad ni Mommy.

Pagka-upo ko sa kama ay biglang tumunog yung phone ko.

From: Yuri/Yuriel

Chiara, may ginagawa ka ba ngayon? Pwede tayong magkita sa park saglit?

Huh? Ano kayang meron? Ma-replyan nga ang isang to.

To: Yuri/Yuriel

Bakit bakla? May problema ba?

From: Yuri/Yuriel

Oo, malaking problema talaga. Wait kita dito ng mga 4 ng hapon? Are you free that time?

To: Yuri/Yuriel

Mukhang malaking problema nga yata yan. Sige, pupunta ako dyan, mag-aayos lang ako saglit.

Tinignan ko naman yung orasan at nakita kong 3 na ng hapon kaya naligo na ako at nagbihis saka bumaba at nagpaalam kay Mommy.

"Mii, punta lang po akong park saglit."

"Wag kang magpagabi anak. Atsaka yung sinabi ko, pag-isipan mo, ok?" Tumango na lang ako at iniwan na si Mommy na busy-ing manood ng movie dun sa sala.

Magpo-4 na, medyo malayo pa naman ng konti yung park pag nilakad. Ayoko naman tumakbo kaya nagtiyaga na lang ako maglakad at inisip na rin kung anong problema meron si Yuriel.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now