Chapter 24: 10 Ways

1.7K 50 0
                                    

© EynJey 2014

Chapter 24

"Ano bang gagawin ko para mapansin niya ako?" nandito ako ngayon sa cafeteria kasama si Dara at Yuriel.

Gaya ng sabi ko sa inyo, kasa-kasama na namin si Yuriel simula nung mag-open kami sa isa't isa ng mga saloobin namin! at makapagtawaran.

Naikwento ko kasi sa kanila, kahit pa alam naman ni Dara yung tungkol nga sa feelings ko para kay Axl.

Desperada na kung desperada pero gusto ko talagang malaman niya na nag-e-exist ako sa mundo niya.

Atsaka, gusto ko siyang i-comfort tungkol dun sa nangyari sa love life niya. Kahit matagal na yun at kahit masakit man para sa akin e gagawin ko para sa kanya, malay niyo, mabaling na niya sa akin yung feelings niya para dun sa naging first love niya.

"Maglakad ka sa buong campus ng nakahubad teh! For sure, agaw atensyon ka, pati lahat ng estudyante mapapansin ka, hindi lang ni papa Axl mo." suggestion nitong si bakla.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Di pa ako nababaliw para gawin yang sinasabi mo bakla."

"E di ba nga gusto mong mapansin niya? Tama naman si Yuri, mapapansin ka kaagad ng love of your life mo ng walang kahirap hirap." sabi naman nitong si Dara habang kinakalikot yung cell phone niya.

At talagang nagkampihan pa sila ah? Mukhang wala naman sila sa katinuan dahil kung anu-ano lang ang sinasabi.

"Di ako magpapakababa ng ganun para mapansin lang niya, baka isipin niya e may sira ako sa utak at ipadala pa ako ng admin sa mental at patalsikin dito sa school."

Tumahimik naman yung dalawa at pagtingin ko sa kanila e wala na akong kasama dito sa table. Langyang yan, nagsasalita ako dito ng wala na palang kausap!?

Nakita ko silang magkasama at nakapila dun sa counter habang nagtatawanan pa, mukhang bibili sila ng pagkain.

Beyen, sayang yung speech ko, di naman pala nila narinig.

Hinintay ko lang silang dumating at tulad naman ng nakasanayan ay binilhan na rin ako ni Dara ng pagkain.

Kumain lang kami at pagkatapos ay nagpahinga muna saglit.

"Nasan na nga ba tayo sa usapan natin kanina?" maya maya ay tanong nitong si bakla. Buti naaalala niya pa yun.

"Dun na tayo sa pagpapapansin ni Jill kay Axl." sagot ni Dara na nakatutok na naman sa cell phone niya.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now