Chapter 9: Plan, Dinner and Encounter

2.3K 65 4
                                    

© EynJey 2014

Chapter 9

Matapos maipakilala sa amin ni Cristine 'yung pinsan niya nga daw na si Axl e naka-kwentuhan na nila ito. Nakaka-inis nga e dahil hindi ako makasingit dahil si bakla e mukhang nilalandi pa si papa Axl, sarap niya tuloy ibala sa kanyon at patalsikin papunta sa Pacific Ocean ng mga oras na 'yun para hindi na makapag hasik pa ng kalandian.

Nawalan tuloy ako ng gana kumain at nakinig na lang sa mga pinag-uusapan nila.

"So anong section mo?" malanding tanong ni Yuri kay Axl habang parang linta na nakadikit dito. Gusto ko tuloy siyang sunugin ng apoy para humiwalay sa love of my life ko. Kaloka talaga 'tong baklang 'to.

"Section A" simpleng sagot ni Axl.

Ang gwapo niya talaga. Nakatitig lang ako sa mukha niya at buti na nga lang at hindi siya napapatingin sa pwesto ko dahil for sure, hindi ko na alam kung ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanya dahil sa ilang beses na nahuli niya akong nakatingin sa kanya.

Marami pang tinanong si bakla kay Axl na halos wala ng kwenta. Daig pa ''yung sa The Buzz at Startalk kung makatanong e, halata namang nagpapa-pansin lang.

Pagkatapos naming kumain e umalis na si Axl dahil tinatawag na siya nung kapatid ni Cristine na si Cass at maglalaro pa daw sila. Nalungkot tuloy ako dahil hindi ko man lang siya naka-usap kahit saglit. Pisti talaga 'tong si bakla sa buhay ko kahit kelan e.

Akala ko pa naman e mananatiling tahimik lang ang drama niya pero nakakita lang ng gwapo e akala mo nabuhay lahat ng dugo sa katawan. Bumalik na naman siya sa kanyang kabaklaan.

Bago ko pa maisagawa ang mga gusto kong gawin kay bakla e nagsimula na kaming mag-usap-usap tungkol nga dun sa pratical test namin sa T.L.E.

"So, last week na ng August 'yung presentation so kailangan nating mapaghandaan 'yung table setting na gagawin natin." sabi sa amin ni Cristine nung nandun na nga kami sa sala nila para pag-usapan 'yung pinapagawa sa amin ni Ma'am T.L.E. "Kaya kailangan na nating i-divide 'yung mga gagawin ng bawat isa para wala na tayong maging problema pa." dagdag niya pa.

Tumango-tango naman kami bilang pagsang-ayon sa sinabi niya dahil tama naman talaga siya.

"Sino ang gagawa nung sa pinaka table setting natin?" tanong niya sa amin. Walang nagsasalita sa amin at tahimik lang kaming nagtitinginan sa bawat isa na para bang ina-alam kung sino nga talaga ang gagawa.

"Wala ba sa inyo ang may alam at nakinig sa tinuro ni Ma'am?" tanong ulit sa amin ni Cristine nung wala talagang sumasagot sa amin. Hindi naman sa wala akong alam sa tinuro ni Ma'am kaso lang natatakot ako at nahihiya kaya naman hindi na talaga ako sumasagot dahil ayaw kong ipahamak ang grupo namin sa maaaring kapalpakan na magawa ko sa oras ng presentation.

"Wala talaga?" tanong niya ulit. Tahimik lang talaga kami kaya napabuntong hininga na lang siya. "Kung wala e 'di pipili na lang ako ng kasama kong mag pe-present." sabi niya bigla kaya naman medyo kinabahan ako dahil baka ako pa ang mapili ni Cristine na gagawa nung pinaka table setting.

"Hmm." sabi niya habang nakalagay ang mga daliri sa ilalim ng kanyang baba at tumitingin sa amin. "Ang dalawa sa makakasama ko sa paggawa ng table setting ay sina..."

JUSKO! 'Wag sana ako.

"...Shie at Jowena." dagdag niya kaya nakahinga talaga ako ng maluwag ng hindi ako ang pinili ng leader namin. Hay buti na lang. Mukhang malakas yata ako sa taas at dininig ang panalangin ko. Thank you Lord.

"Since kami ng tatlo na ang sa table setting, kayo na ang bahala para sa mga gagamitin natin sa mismong presentation." tumango tango kami kay leader at sinabihan niya rin kami na kami na daw ang bahala kung ano ang mai-aambag namin.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now