Chapter 49: Lucky Girl

1K 15 4
                                    

© EynJey 2014

Chapter 49

Isang linggo na rin ang lumipas at sa linggo na yon, pinag isipan ko ng mabuti at inalam kung mali lang ba ako ng iniisip at nararamdaman, o baka naman masyado lang ako nadadala dahil sa balitang nagpapakalalaki na nga si Yuriel at may nililigawan na rin.

"Jill, ito na yung pagkain mo." nilapag ni Yuriel yung inorder niyang pizza at drinks sa table namin.

"Sabi ko isang slice lang, bat isang buo naman yan?" kinagat ko na yung slice na kinuha ko.

"Syempre, baka kulangin, tsaka darating na rin sila Aki maya maya." kumain na rin siya gaya ko. Magkaklase kasi kami ni Yuriel sa isang subject. At nagkataon na an hour before lunch yun, kaya magkasama kaming dalawa habang nag aantay sa iba naming kaibigan.

"Nga pala, nakita ko na yung nililigawan mo." napahinto siya sa pagkagat. "Si Jillian?" pagco-confirm niya. "Yeah. Pinakita sa akin ni Dara, kaso di namin siya nakausap dahil mukhang busy at parang ilag din sa mga tao." tumango tango lang siya.

"Anong nakita mo sa kanya at niligawan mo?" sa wakas na tanong ko rin sa kanya. Kaso nung napag isip isip ko, parang iba yung dating nung tanong ko. Tinuktok ko mentally yung ulo ko.

"Hmm, marami e." nakangiti pa siya habang sinasabi yun. Tumango na lang ako sa sagot niya. Ayoko na kasi makiusyoso, baka isipin niya napaka chismosa ko.

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano, at di ko rin maiwasan na mapatitig sa kanya habang nagsasalita siya. Ibang iba na kasi talaga yung vibes ni Yuriel. Naka wax yung hair niya sa isang side, ang bango bango at lalaking lalaki na rin magsalita.

Sa sobrang busy namin mag usap, di na namin namalayan yung oras, kung di pa kami biglang tinapik sa balikat ni Aki, di pa namin mapapansin na tapos na pala klase nila. Tumabi sa akin si Axl at nginitian ako, ngumiti din naman ako pabalik sa kanya. Umorder na sila ng lunch at sabay sabay na nga kaming kumain.

Bumalik agad ako ng school after ko kumain dahil kailangan ko pang habulin yung 1:30 class ko. Masyado kasi kaming nag enjoy kaya di ko na napansin na 1 na pala.

Naglalakad na ako sa hallway ng mapansin ko na ang daming tao sa CR ng girls. Lalagpasan ko na sana kaso narinig ko na may nagtatalo, at mukhang may inaaway, isa pang dahilan ay yung pangalan na binanggit nung isang babae.

"Bagay lang yan sayo Jillian."

Nakitingin na rin ako kung ano ang nangyayari at nakita ko nga si Jillian, na basang basa ang damit at nakayuko. Natatawa naman yung ibang babae na nandun at mukhang tuwang tuwa sila sa nangyari.

"Feeling mo naman napakaganda mo na porket nililigawan ka ni Yuriel?" nakairap na sabi nung babae. "Hoy te, gumising ka sa panaginip mo. Malamang ay ginayuma mo lang si Yuriel, dahil sa itsura mo na yan? Walang magkakagusto sayo." dinuro duro pa nito sa ulo si Jillian. "Tara na girls, sayang ang oras sa babaeng yan." gumilid ako ng isa isa na silang lumabas ng CR.

Alanganin akong pumasok sa CR, lalo na ng humagulgol si Jillian. No choice na ko kundi ang lumapit sa kanya. "Ayos ka lang?" tinignan naman niya ako atsaka umiling. "Sandali lang ah, kukuha lang ako ng towel sa clinic, babalikan kita dito." nagmadali na kong umalis at pagbalik ko sa CR, di na nag iisa si Jillian, nandun na rin si Yuriel.

Pina-pat nito sa likod si Jillian habang pinapatahan. Napatingin naman siya sa akin bigla, kaya naman dumiretso na ako at inabot yung towel. "Ito oh, magpunas ka muna, baka magkasakit ka e."

"Ano bang nangyari Chiara?" tanong ni Yuriel sa akin.

"Di ko alam, basta nakita ko na lang na basang basa siya dyan nung umalis yung mga babae kanina." busy lang si Yuriel magpatahan kay Jillian. Dahil pakiramdam ko ay di na ako kailangan dun, umalis na ako at dumiretso sa klase ko. Dahil sa nangyari sa CR kanina, nalate ako, kaya naman napagalitan ako nung prof ko, ayaw na ayaw niya daw kasi na nagdidiscuss na siya ay may papasok na estudyante, dapat daw ay nauuna ang student kesa sa professor.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now