Chapter 22: Momentum

1.7K 54 8
                                    

© EynJey 2014

Chapter 22

"Yuriel!?" gulat na tanong ko dun sa taong naka-upo sa katapat kong upuan.

"Obvious ba? Alangan namang ako yung Mommy mo?" sarcastic na sagot niya sa akin.

Hay naku, bumabalik na naman yung maitim na budhi nitong si bakla. Ang bully na naman kasi e.

"E anong ginagawa mo dito? Ang dami namang ibang upuan, lumipat ka dun at may dinner kami nila Mommy." sabi ko sa kanya saka lumingon lingon sa paligid para hanapin kung saan na napunta yung Mommy ko.

Di naman nagsalita si Yuriel at nung tinignan ko siya e nagulat na lang ako na may hawak na siyang menu at may waiter na sa gilid niya.

"May I now take your order Ma'am and Sir?"

Kahit labag man sa kalooban ko ay umorder pa rin ako dahil mahirap namang magutom di ba? Atsaka nandito na naman ako e.

Pero nasan kaya sila Mommy?

Sabi na nga ba e, baka naman nagsolo na yung dalawang yun at iniwan na lang ako mag-isa dito.

Umalis na yung waiter at bigla namang nagkaroon ng dead air sa pagitan namin ni Yuriel.

At awkward talaga kasama nitong si bakla. Kelan kaya mangyayari na hindi kami ganito sa isa't isa.

Kinalikot ko na lang yung kamay ko habang naghihintay kami ng biglang magsalita si Yuriel.

"Alam mo ba kung bakit ka nandito?" tanong niya kaya tinignan ko naman siya ng nakataas ang kilay.

Huh? Anong tinatanong ng isang to?

"Obvious ba? Malamang magdi-dinner, ano pa bang gagawin dito? O baka gusto mong mag-acrobat dyan sa gitna e i-push mo lang, di naman kita pipigilan." tapos ngumiti lang ako habang nakatingin sa kanya.

Ang sama naman ng tingin niya sa akin kaya umiwas na lang ako ng tingin.

"Joke ba yun? Ang waley a." sabi niya sa akin.

Ang sama talaga ng ugali, e hindi naman ako nagjoke.

Author, ito ba yung momentum na mangyayari sa amin? Lagi na lang bang ganito?

A: kumalma ka dyan Jill, nag-iisip pa ako ng mga script niyo, wag mo kong istorbohin. I'm busy. *^_^*

Kaloka naman yung author ng kwentong to, masyadong ewan, nababaliw na yata talaga.

A: oo, nababaliw na ako! Nababaliw na ako kay Daehyun at sa B.A.P!

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now