Chapter 27: Revelation

1.4K 47 5
                                    

© EynJey 2014

Chapter 27

"Mommy, alis na po ko." sabi ko nung tapos na akong kumain. Wala namang sumagot kaya sinilip ko kung nasan siya.

Nakita ko siya sa may sala na seryosong nanonood ng t.v. kaya baka di niya ako narinig.

"Mommy!" pabiglang sabi ko kaya naman napatalon siya sa gulat.

"Jusko naman Jill anak, bakit ka nanggugulat dyan? Tapos ka na bang kumain?"

Tumango tango ako habang nakangiti.

"Happy Birthday Mii!"

Medyo nagulat pa siya sa sinabi ko pero ngumiti lang siya saka ako niyakap.

"Salamat anak."

"Your welcome Mii." sagot ko habang magkayakap kami. "Pano ba yan Mii, iimbitahan ko na yung mga kaibigan ko para mamayang gabi sa party niyo a?"

"Oo naman anak, simpleng handaan lang naman yung mangyayari dahil hindi ko masyadong naasikaso ito e."

Yes! Excited na akong isama yung mga new found friends ko, sila Ara at Aki, kung pwede rin pati si Axl ipapasama ko na.

"Sige po Mii, alis na ako, baka naghihintay na po si Dara sa may sakayan."

Nagkiss lang ako sa kanya saka umalis na at nagmamadaling pumunta sa may kanto kung saan kami sumasakay ng jeep ni Dara.

Pagdating ko dun, may paalis ng jeep at halos manlumo ako sa nakita.

Si Dara at Yuriel, nagtatawanan sila habang nakasakay sa jeep.

Hindi man lang nila ako hinintay na dumating. Atsaka, lagi naman kaming magkasabay ni Dara e, pero ano to ngayon?

---

Malungkot akong pumasok ng school, at mag-isa na rin.

Nakakapanibago dahil lagi kong kasama si Dara pumasok pero ngayon, ako na lang mag-isa.

September na nga pala ngayon, September 19 to be exact at Thursday ngayon. Ang bilis talaga ng panahon, halos di ko na namamalayan.

Pumasok na ako ng room at di na rin ako nagulat na magkatabi si Dara at Yuriel sa ibang upuan, so meaning, mag-isa lang ako.

Buong klase tahimik lang ako, di na rin ako masyadong nakakapag recite dahil mas malakas pa yung tawanan nung mga taong nasa likod ko.

Hanggang lunch break, nasa room lang ako at hindi na ako lumabas pa.

Hindi na muna siguro ako kakain ng lunch para naman hindi awkward dahil for sure, makikita ko sila Dara sa cafeteria.

Nakikinig lang ako ng music ng biglang may kumalabit sa akin at umupo sa may tabi ko.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now