Chapter 2: The Locker Scene

3.5K 90 17
                                    

© EynJey 2014

Chapter 2

Dahil medyo nahuli kami ng punta ni Dara sa canteen e puno na halos lahat ng pwesto ng dumating kami, tapos ang haba din ng pila sa counter kaya sa tingin ko e mauubos na ‘yung oras e hindi pa kami makakabili kaya naman napag pasyahan naming pumunta na lang sa garden ng school at dun muna tumambay.

Pagkarating namin sa school garden e umupo kami agad dun sa bench atsaka nagkwentuhan ng kung anu-ano. Basta kasama ko lagi si Dara, hindi ako nabo-bored kasi halos ‘di na siya naubusan ng kwento. Sa araw-araw na magkasama kami e parang maya't maya e may bago na naman siyang ike-kwento. Tapos maghiwalay lang kami saglit, pag magkasama na naman kami e may idadaldal na naman siya sa akin.

Ngayon nga e pinag-uusapan namin ‘yung bagong teacher sa Physics. "Grabe lang talaga best." tapos niyugyog yugyog niya pa ‘yung braso ko. "Sobrang hot ni Sir. Naku, feeling ko magkakasala ako ng dahil sa kanya e. Baka bigla ko na lang ‘yun sunggaban pag ‘di ako nakapag pigil." Tapos tumawa siya at patuloy niya pa akong niyugyog at pakiramdam ko e nayanig ang buo kong pagkatao dahil sa ginawa niya.

Inirapan ko nga siya. "Mahiya ka naman Dara, teacher natin ‘yun tapos ganyan ang mga iniisip mo. Mag hunus-dili ka nga." tapos umayos na ako ng upo.

"Ano ka ba naman Jill, ‘di lang ako ang may pagnanasa dun noh, halos lahat yata ng babae sa classroom natin e ganito rin ang iniisip." tapos nilabas niya ‘yung notebook niya, or more like diary at nagsulat siya dun.

"Ano na naman 'yan?" pagtukoy ko dun sa hawak niya. Nginitian niya lang ako tapos patuloy lang na nagsulat. Sisilipin ko nga sana kung ano ‘yung nilalagay niya dun kaso bigla siyang lumiyad at sumigaw ng 'HEP' kaya ‘di nalang ako nagpumilit na tignan.

Matagal din siyang nagsulat dun tapos sinara na niya ‘yun at nilagay sa bag niya. "Listahan lang ‘yun ng mga kung anu-ano ko sa buhay." sabi niya sa akin kaya naman ‘di na ako nagtanong pa ulit, private yata masyado kaya ‘di ko na lang panghihimasukan.

Dinaldal niya lang ulit ako tungkol dun sa aso nung kapitbahay daw namin na pinitik niya ng goma tapos dun sa mga ipis na nilagay niya sa may loob ng closet ng ate niya at kung anu-ano pang mga kalokohan sa buhay.

'Di na nga namin halos napansin na tapos na pala ‘yung 30 minutes break kaya naman nagmadali na kaming pumunta sa room nung nagbell dahil medyo strict ‘yung next naming teacher. Sabi nga ni Dara e menopause na daw ‘yun kaya ganun tsaka matandang dalaga kasi kaya galit daw sa mundo.

Papasok na dapat kami ng room kaso pagbukas ko nung pinto e biglang may bumuhos sa ulo ko. Pagtingin ko e puro laman ng binasag na itlog na ang lalagkit pa. Tapos nagulat pa ako ng may bumuhos sa akin ng mga balahibo ng ewan ko kung anong hayop kaya naman dumikit ‘yun sa balat ko dahil nga sa itlog na nasa katawan ko.

Gusto ko ng umiyak nung mga oras na ‘yun dahil bukod sa lagkit ng katawan ko e at sa kahihiyan na nararamdaman ko e pinagtatawanan pa ako ng mga classmate ko. Mas dumoble ‘yung hiya ko sa sarili dahil nagmukha na naman akong katawa tawa sa harap nila.

Tapos nakita ko si Yuri na ang sama ng tingin sa akin at naka-irap pa. Sa tingin ko e ‘di ko na kailangan pang alamin kung sino ang may kagagawan nito, halata naman kung sino ang malaki ang galit sa akin e.

"Tumigil na nga kayo." napatingin ako sa best friend ko ng sumigaw siya. Tumigil din naman ‘yung mga classmate ko sa pagtawa at bumalik na sa mga pwesto nila.

'Di ko na kaya, konti na lang talaga e babagsak na ‘yung mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

"Best--" hahawakan sana ako ni Dara pero tumakbo na ako palabas ng classroom at ‘di ko na siya nilingon kahit paulit ulit niya pa akong tinatawag.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now