Chapter 15: Strange

2.1K 61 12
                                    

© EynJey 2014

Chapter 15

"May I have your attention everyone." narinig kong sabi nung babae na nandun sa may stage. Natigil ang party at lahat ay nakatingin sa kanya.

Saka lang ako bumalik sa sarili ko at hinanap ko kung nasan na si Yuriel kaso di ko na siya makita kaya naman nakinig na lang ako sa kung ano man yung sasabihin nung babae.

"I would like to call our birthday celebrant for today to give some message. Let's give a round of applause for Mrs. Xandra Naval." tapos nagpalakpakan naman kami habang paakyat si Tita Xandra dun sa stage.

Ngumiti siya at ngayon ko lang napansin na nakuha pala ni Yuriel yung ngiti sa kanya, parehas kasi silang ngumiti e. Tsaka pala yung mata, magkatulad sila.

Aish! Bakit ba siya yung iniisip ko. Mukhang na virus-an yata yung utak ko dahil kung anu-ano na lang ang pinag-iiisip.

"I would like to thank everyone for coming here today. It's a great pleasure for me to celebrate my birthday with all of you." nagpalakpakan kami dahil sa sinabi niya. "Thank you again and enjoy the party." pagkatapos nun ay bumaba na siya at pumalakpak kami.

Nagsimula na nga ulit yung party at mas lalong umingay sa buong paligid.

Naka-upo lang ako dun sa may table namin at maya maya lang ay dumating na sila Daddy at Kuya.

"Where's your Mom?" tanong ni Daddy nung maka-upo na sila. Tinuro ko lang si Mommy na kasama yung mga kaibigan niya pati si Tita Xandra na masayang nagke-kwentuhan.

Naka-upo lang kami dun ng biglang may lumapit kay Daddy na kaibigan niya rin at umalis sila. Pati nga rin si Kuya e may kakilala rin pala dito kaya ayun, iniwanan nila akong pareho na mag-isa lang.

Kumuha na lang ako ng pagkain ko atsaka kumain para naman kahit papano e matuwa tuwa ako.

Pagkatapos ng pang tatlo kong plato ng pagkain ay dumighay na ako at nakakatuwa dahil busog na busog na ako. Mukhang sa pagkain ko ibinuhos lahat ng frustration ko ngayon, haha.

Kumuha ako ng drinks dun sa umiikot na waiter atsaka uminom. Juice lang naman yun kaya isang inuman lang e naubos ko na.

Nagulat ako ng biglang may lumapit sa akin na lalaki at umupo ito bigla sa may harap ko.

"Hi!" nakangiti niyang bati sa akin at infairness, ANG GWAPO niya! yiiiiieee. Kilig kilig!

"Hello." bati ko rin sa kanya tapos napangiti na lang ako ng tipid at inilapag yung basong pinag-inuman ko.

"Are you alone?" tanong niya ulit at di naman yata masama ang sumagot sa tanong di ba? Atsaka, mukha naman siyang mabait at hindi gumagawa ng masama.

"Uhm, no. I'm with my family." tapos tumango tango lang siya dun sa sagot ko.

"By the way, I'm Kurt. How about you?" tapos nilahad niya yung kamay niya.

Oh my gosh! Ang gwapo nung pangalan, parang siya lang din.

Arrrgghh! Ano ba tong nangyayari ngayon!? Tinatanong niya pangalan ko?

"I'm Chiara." sagot ko sa kanya.

Pwede naman yatang magkaroon ng exemption sa pangalan di ba? Mukhang ngayon lang naman kami magkikita e susulitin ko na to at gusto ko itawag niya sa akin e Chiara. Landi ko talaga. Char!

Inabot ko yung kamay niya para pormal na makipag kilala at ang lambot! Parang gusto ko tuloy himatayin sa kilig ngayon at hawakan na lang forever yung kamay niya.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now