Chapter 7: Meet the boyfriend and my brothers' girlfriend

2.7K 82 6
                                    

© EynJey 2014

Chapter 7

Pagkakita na pagkakita ko kaagad kay Yuri e tinawag ko na siya.

"Yuriel"

Napatingin naman siya sa may pwesto namin at halata sa mukha niya na nagtataka siya ng makita ako dahil malamang, si Chiara Jill Agundo na binu-bully ni Yuriel Xan Naval e tinatawag siya? Napakalaking himala naman nun. Nginitian ko siya ng malapad atsaka tinawag pa ulit.

"Halika ka dito Yuriel, ipapakilala kita sa kaibigan ko." buti na lang talaga at lumapit siya sa pwesto namin dahil kung hindi, for sure I'm doomed na talaga.

"Maureen, ito na nga pala si Yuriel, ‘yung sinasabi ko sayo." pagpapakilala ko kay Yuriel. Ngumiti naman si Maureen at naglahad ng kamay. "Hello Yuriel, ako nga pala si Maureen. Ikaw pala ‘yung boyfriend nitong si Jill? Infairness ang gwapo gwapo mo."

Nakita kong nagulat si Yuri tapos tumingin pa sa akin ng masama, buti nga hindi ‘yun nakita ni Maureen e, tinignan ko na lang siya ng 'sumakay-ka-na-lang-sa-sinasabi-niya-look'. Grabe naman talaga, bakit nga ba sa dinami-rami ng mga taong pwede kong gawing ‘boyfriend’ e ito pa talagang si bakla ang nahila ko. Wala rin naman akong choice kasi siya ang unang nakita ko na kakilala ko dito sa Mall e.

Ngumiti naman si Yuri kay Maureen. "Hello Maureen, nice meeting you."

Bakit ang hot niya habang sinasabi niya ‘yun? Lalaking lalaki talaga siya e. Pwede bang ganyan na lang siya forever?

Nang magbitaw na sila ng kamay e bigla akong binulungan ni Maureen. "Ang hot naman pala ng jowa mo Jill, bakit ngayon mo lang pinakilala ‘to?"

"Aba'y anong malay ko na gusto mo palang makilala?" bulong ko rin sa kanya.

Binalik na lang ni Maureen ‘yung tingin niya kay Yuriel, well, sa tingin ko e Yuriel na ang itatawag ko dito kay bakla kahit sa isip ko lang kasi masyadong babaeng babae 'pag Yuri e. Si Yuriel naman e nakita kong bumubulong kay Dara, malamang nagtatanong ‘yun kung anong nangyayari.

"Kamusta naman ang relasyon niyo nitong si Jill, Yuriel?" feeling ko e nagka goosebumps ako sa tinanong ni Maureen. Kinikilabutan talaga ako lalo pa't naiisip ko na si Yuriel e boyfriend ko, nakakatakot.

"Ok naman kaming dalawa." pagkasabi ni Yuriel nun e bigla siyang lumapit sa akin at inakbayan ako. Gosh! Feeling ko mauubusan ako ng hininga at bakit parang biglang ang init init dito sa loob ng Mall? Namatay ba ang aircon?

Si Dara naman e palihim na tumatawa dun sa gilid at kala mo e kilig na kilig sa nakikita niya. Ano ba ‘tong pinasok ko.

"Ang cute cute niyo talaga---" 'di na natapos ni Maureen ‘yung sasabihin niya dahil may biglang tumawag sa kanya at pakiramdam ko e mas lalo akong 'di makahinga at mauubusan na talaga ako ng dugo sa katawan. Pati si Dara e halos manlaki ‘yung mata dun sa taong tumawag kay Maureen.

"Chray, I'm here." sabi ni Maureen dun sa lalaking tumawag sa kanya.

Sheeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet! Bakit ngayon pa!? bakiiiiiiiiiiiiit!? Pakiramdam ko e nanigas na ako sa kinatatayuan ko at nanunuyo na rin ang lalamunan ko. Nang makalapit na sa amin ‘yung lalaking tumatawag kay Maureen e nagulat siya ng makita ako.

"Baby girl? Anong ginagawa mo dito?" tapos napatingin siya sa kamay ni Yuriel na naka-akbay sa akin. "At sino naman ‘tong lalaking ‘to?"

Gosh! Nanunuyo na talaga ‘yung lalamunan ko, ‘di ko na kaya ‘tong nangyayari. Bakit sa lahat ng tao e si Kuya Chray pa ‘yung makikita namin dito? At bakit sila magkasama ni Maureen?

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now