Chapter 14: Party

2.1K 66 9
                                    

© EynJey 2014

Chapter 14

Kahit na wala ako sa sarili e pinuntahan ko pa rin si Yuriel sa may sala pagkasabi palang ni Mommy na nandito siya.

Naabutan ko siyang naka-upo sa sofa habang naka dekwatro pa at feel at home pa talaga ang itsura niya.

"Ano naman ang kailangan mo?" tanong ko sa kanya ng makalapit na ako at saka umupo dun sa sofa na katapat nung kanya.

Umayos lang siya ng upo bago nagsalita. "Buti naman at dumating ka na. Kanina pa kaya kita hinihintay dito." pagtataray niya sa akin, at ang bakla, inirapan pa talaga ako!?

Napasinghap talaga ako dahil sa sinabi niya. "WOW HA! Anong malay ko na nandito ka pala sa bahay? Atsaka MAY KLASE po kaya, kaya ngayon lang ako naka-uwi." pag-e-emphasize ko talaga sa word na 'Klase' para ramdam naman niya na absent siya.

"Edi sana nag cutting ka para maaga kang naka-uwi at nang hindi ako naghintay ng matagal dito." parang wala lang sa kanya yung sinabi ko at talagang tinuturuan pa akong mag cutting ha? Naloloka talaga ako sa baklang to.

"Ayokong magcutting at hindi ako pabaya katulad mo na aabsent lang para maghintay dito sa bahay." sabi ko sa kanya saka siya inirapan.

Nakakainis tong baklang to, akala ko pa naman e papasok, yun pala nandito lang sa bahay namin.

At DUH! As in capital D, U, H. Pareho kaya kaming naghintay dalawa. Hinintay ko rin siya sa school kung papasok siya tapos di naman pala so patas lang kaming dalawa.

"Ano naman ang iniisip mo at naka ngisi ka pa?" nagulat ako ng bigla siyang magsalita kaya naman nabalik na ako sa sarili ko. "Nakakapangilabot pa yang mga ngiti mo." dagdag niya.

Mas lalo lang akong ngumit ng mas malapad at talagang pinakita ko pa sa kanya. "Wala naman." sabi ko sa kanya habang nakangiti pa rin.

Teka nga! Bakit ba ako ngumingiti sa harap nitong si bakla!? At bakit parang nagiging close na kaming dalawa!?

Hindi to pwede! Bawal akong malapit sa kanya dahil masyado siyang malupit. Mas gugustuhin ko pang malapit kay Axl kesa dito kaso si Axl e mukhang lumalandi at hindi na pinapansin ang beauty ko, kainis yung isang yun.

"Magbihis ka na at bilisan mo at wag mo na akong paghintayin ng matagal dito." nagulat na lang ako ng bigla akong hilahin patayo ni bakla at saka tinulak tulak papunta sa may hagdan namin.

"T-teka lang naman!" sabi ko habang pinipigilan siya sa pagtulak sa akin. "A-ano bang meron at kelangan kong magbihis? Tsaka wag mo nga akong itulak, marunong akong maglakad." dagdag ko at buti naman at binitawan niya ako kaya naman humarap ako sa kanya at pinandilatan ko talaga siya ng mata.

"Ano na?" tanong ko ulit dahil di naman niya sinasagot yung mga tanong ko e.

Umiling lang siya saka ngumiti. Weird. Feeling ko kinilabutan ako sa ngiti niya. "Basta!" sabi niya saka na naman ako tinulak paakyat ng hagdan. "Magbihis ka na at yung formal ah? Hihintayin na lang kita dito sa baba." sagdag niya saka siya bumalik sa sofa at iniwan ako dito sa may baba ng hagdan na naka tunganga.

Ano daw? Formal!? Ano ba pupuntahan namin at kelangan pang naka-pormal? Kahit kelan talaga tong bakla na to, wala ng naidalang mabuti sa buhay ko kundi puro kabaliwan.

Dahil mukhang wala naman yata akong choice e umakyat na ako sa taas at nagpalit na nga dahil naka-uniform pa ako nung humarap ako sa kanya.

Chineck ko muna yung closet ko kung may formal dress ba ako at halos halughugin ko na yung buong closet ko e wala talaga akong makita.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now