Chapter 36: Chiara Jill Agundo

1.2K 38 4
                                    

© EynJey 2014

Chapter 36

"Jill, ito na yung pagkain mo." tapos nilapag ni Dara yung mga biscuits at mineral water sa table ko. "Sigurado ka bang ayaw mong lumabas? Hinahanap ka ni Aki, kung gusto mong sumunod, nandun lang kami sa garden ah?" tumango lang ako at umalis na nga si Dara at naiwan akong mag-isa sa classroom.

December na nga pala ngayon at ilang araw na lang e pasko na. Isang buwan na rin simula nung bakasyon namin sa Palawan at isang buwan na ring wala si Kurt. Ang balita ko kasi e umalis daw ito kasama ang pamilya papunta ng America, ewan ko lang kung babalik pa ba sila dito o hindi na.

Naiinis ako kay Kurt, pero at the same time, nagpapasalamat dahil naliwanagan na rin ako simula nung sinabi niya lahat sa akin nung mag-usap kami sa Palawan. Kahit hindi ko naman alam kung totoo ba lahat ng sinabi ni Kurt ay may parte sa akin na nagsasabing dapat ko itong paniwalaan.

Dahil wala naman akong makakwentuhan sa room ay nakinig na lang ako sa phone ko ng mga kpop music at tumungo sa desk ko at pumikit. Wala naman kasi kaming mga teacher ngayon, pinatawag daw kasi lahat sa office at hindi naman kami pinayagang umuwi na dahil baka daw yung iba e kung saan pa magpunta kaya naman do what you want na lang kami basta nasa loob lang ng school.

Pinapakinggan ko ngayon yung I Like It ng BTS, yung slow jam remix at dahil nga medyo soft lang yung melody niya di tulad nung iba nilang kanta na hard yung mga rap e feeling ko, konti na lang makakatulog na ako.

Nung pakiramdam ko e makakatulog na talaga ako e may biglang kumalabit sa akin. Wala naman akong ibang choice kundi ang tignan kung sino ba yun.

Nakita ko naman yung president namin na ang lapad ng ngiti sa akin. Ano naman kaya ang kailangan ng isang to?

"Hi Jill." tapos kumaway kaway pa siya sa akin. Mukhang may naaamoy akong something fishy ngayon.

"Hello." sagot ko tapos niligpit ko na nga yung earphones ko.

"Jill, busy ka ba?" nakangiting tanong niya. Sabi ko na nga ba e, may something fishy talaga sa paglapit nitong president namin.

"Bakit?"

"Kelangan ko kasi ang tulong mo para sa Christmas Party natin next week. Tutal e tapos na yung Summative Test e sa tingin ko e hindi ka na naman na busy."

"Busy ako e, iba na lang. Pasensya na."

"P-pero Jill, ikaw na ang huli kong nilapitan. Wala na akong ibang maaasahan ngayon kundi ikaw na lang kaya please, pumayag ka na."

Dahil makulit ang president namin at sa tingin ko e wala namang masama kung tumulong ako para sa pag-organize ng Christmas Party namin e pumayag na ako. Tuwang tuwa naman siya dahil sa wakas daw e may pumayag na.

"Tsaka wag kang mag-alala Jill, kasama naman natin si Yuri e, kelangan ko kasi ng dalawang makakasama kaya buti na lang at pumayag ka."

Natigilan ako bigla. "M-makakasama natin si Yuriel?"

Tumango tango naman si president habang ngiting ngiti. "Oo, mabuti nga yung kayong dalawa dahil alam ko namang ok na kayo at wala namang magiging problema."

"Ah, uhm, ano kasi eh, naalala ko, magiging busy pala ako sa mga susunod na araw, may pinapagawa pala sa akin si Mommy kaya hindi na pala ako makakatulong. Maghanap ka na lang ulit ng iba, sorry." sabi ko sa kanya habang hindi ako mapakali.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now