Chapter 50: Goodbye

1.3K 21 4
                                    

Chapter 50

"Guys, debut na namin ni Ara next week, and syempre, kasama kayo sa 18 candles and 18 roses namin." inabot sa amin ni Aki yung mga invitations para sa Birthday nila.

"Ang bilis nga naman talaga ng oras, akalain mo yun, magdadalaga na kayong dalawa." naiiling pa na sabi ni Axl. Natawa kami sa sinabi niya, at dahil din nakatikim siya ng batok kay Aki.

"Malapit na rin pala tayong magdebut Jill, mauuna ka next month, then next next month naman ako." bulong sa akin ni Dara.

Oo nga pala, birthday ko na next month. Di ko na rin masyadong namamalayan ang oras kaya minsan, nagugulat na lang ako na ilang buwan na pala ang lumipas.

Planado na pala lahat para sa debut ng kambal. And after nila ibigay sa amin ang mga invitations, sinabi rin nila na patatahian daw kami ng susuotin, gusto daw kasi nila na organized lahat ng bagay. Kaya ayun, after ng class naming lahat, pinasukatan kami at ang sabi e after 3 days daw ay makukuha na namin ang mga dress namin, at coat naman sa mga guys, not sure.

Nagulat din kami ng malaman namin na x2 pala ang mga 18's nila, 18 for Aki, and 18 for Ara. Si Jillian nga rin pala ay ininvite ng kambal, although di siya nakasama sa mga 18's dahil matagal na palang inasikaso ang birthday party nila at lately lang namin nakakahang-out si Jillian.

Mabilis lang talaga ang bawat oras, dahil paggising na lang namin, debut na ng kambal. Sakto naman na Sabado ang birthday at dahil wala kaming subject pag Saturday, di na namin kailangan pang lumiban sa klase.

Maaga akong sinundo sa bahay, dahil kailangan pa daw akong ayusan at bigyan ng mga treatment, nagulat nga ako na may ganun ganun pa talaga, pero natawa na lang kami pareho ni Dara ng magkita kami sa mansyon ng mga Husain, halos lahat ng kasama sa 18's ay nandun, pwera lang sa mga lalaki.

From: Axl
Jill, see you later :).

Nakain na kami ng lunch ng biglang magtext si Axl.

To: Axl
See you din later :).

Nagtaka naman ako ng biglang magtext si Yuriel.

From: Yuriel
May sasabihin ako sayo mamaya.

Dahil curious ako kung ano yun, kinulit ko siya na sabihin na sa akin. Kaso ayaw patalo, ayaw talaga sabihin.

From: Yuriel
Mamaya na lang, after ng party.

To: Yuriel
Okay. Later.

Saktong 5 pm ay sinundo na kami sa mansyon at sabay sabay na daw na ihahatid sa isang sikat na hotel, dun kasi ang venue ng debut. Mas lalo ko lang talagang napatunayan na ang yaman talaga ng mga Husain.

"Oh, nandun na sila Yuriel oh." napatingin naman ako dun sa tinuro ni Dara, at gaya ng sabi niya, nandun na nga yung mga guys. At, ang gagwapo nila.

"May I have your attention everyone. At exactly 6 pm, we'll start the program, so please remain seated. Thank you."

"Jillian!" sigaw ni Dara, pero di gaanong kalakasan. Nakita naman namin ang isang babae na papalapit sa table namin.

"Grabe ka Jillian, muntikan na kitang di makilala kanina, ang ganda ganda mo!" di makapaniwalang sabi ni Dara. Nahihiyang umupo si Jillian. "S-salamat."

Maya maya lang, nagsimula na nga ang program. Di ko na masyadong ikekwento ang mga nangyari, kung ano lang ang nagyayari kapag debut, ganun lang din naman ang nangyari, ang kaibahan lang, kambal ang celebrant, kaya medyo natagalan.

"Grabe, kanina pa ko nagugutom, buti naman at naisipan din ng MC na pakainin na tayo." natawa na lang kami sa sinabi ni Dara. Halata nga na gutom siya medyo marami rami kasi ang kinuha niya dun sa buffet.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt