Special Chapter

2.1K 28 17
                                    

(A/N: Read the Author's note at the end. Thanks :))

Yuriel POV

Nang marinig ko na umamin na si Axl kay Chiara sa rooftop ay bumaba na ako. Ayoko nang marinig at makita pa ang mga susunod na mangyayari.

Alam kong gusto ni Chiara si Axl, at ngayon na umamin na rin si Axl kay Chiara, wala na kong laban.

Pagbaba ko ng elevator ay nag abang lang ako dun, inaabangan ko si Chiara. Maya maya pa ay bumukas na nga ang elevator ay nagkunwari ako na papunta na dun.

"O Chiara, papunta na dapat ako---"

"Ano ba yung sasabihin mo sa akin Yuriel? Pwede sabihin mo na ngayon?" nagulat ako dahil sa biglaang tanong niya pero nginitian ko lang siya.

"Wala yun, kalimutan mo na lang. Sige, matulog ka na. Goodnight." dumiretso na ako sa kwarto at humiga.

Mga kalahating oras ay pumasok na si Axl.

"O, san ka galing?" tanong ko.

"Rooftop. Nagpahangin lang." tinanggal niya lang ang jacket niya at humiga na rin.

"Yuriel, anong tingin mo kay Jill?" akala ko tulog na siya pero bigla na lang syang nagtanong.

"Huh? Bakit?"

"Wala lang, gusto ko lang malaman." nanatiling nakatingin kaming dalawa sa kisame.

"Isa lang naman masasabi ko sa kanya e, simple lang siya." napangiti ako nang sabihin ko yun.

Napatango naman si Axl sa sinabi ko at natulog na kami.

***

"Yuriel, okay lang ba na samahan mo si Jillian sa pagpunta dito sa Amerika?" tanong sa akin ni tita habang magkausap kami sa Skype.

"Po? Bakit tita, kukunin niyo na po ba siya?"

"Oo e, naasikaso ko na kasi yung mga kakailangan ni Jillian para maging permanente na siya dito. Alam mo naman yang pinsan mo, hindi papayag bumiyahe mag isa, kaya gusto ko sana na ihatid mo siya dito. Ako na ang bahala sa ticket niyong dalawa."

Naiintindihan ko naman kung bakit ako ang kinakausap ni tita tungkol dito, close kasi kaming dalawa ni Jillian, at oo, pinsan ko siya, at hindi ko siya nililigawan.

May nangungulit kasi sa kanya nun at gusto daw manligaw, at dahil ayaw niya ay nakiusap siya sa akin, kaya ayun, pinalabas namin na nanliligaw ako sa kanya at ayun, tinigilan naman siya nung lalaki.

"Alam na po ba ni Jillian yung tungkol dito?" tanong ko.

"Nakausap ko na siya, kaya naman kumuha na ako ng ticket niyo, sa Sept 20 ang flight niyo."

September 20?

Debut ni Chiara nun kinabukasan.

"Uhm, tita kasi po---"

"Madam, your meeting will start in 5 mins."

"Sige Yuriel, salamat ulit. Ikamusta mo na lang ako kay ate." di na ko nakapagsalita pa dahil nag end na yung skype.

***

"Jillian, okay lang ba talaga sayo na ikaw na lang mag isa ang aalis?" ngumiti lang siya at tumango.

"Ayos lang yun Yuriel, debut ni Jill bukas, kailangan mong umattend, although sinabi ko sa kanya na di ka makaka attend, basta, isurprise mo na lang siya."

"Jillian, ingat ka dun ah? Tsaka chat mo kami lagi." sabi ni Aki at nagyakapan lang silang apat.

Wala si Chiara dahil sabi ni Dara e nagbeauty rest daw, sabagay, bukas na yung debut niya.

Tinawag na ang flight ni Jillian kaya naman umalis na siya, kumaway lang kami sa kanya at nang makapasok na siya sa loob ay umalis na kaming lima.

"Pano yan, binago na ni Jill yung sa 18 roses niya, bale aattend ka na lang?" tanong ni Dara sa akin.

"Ganun na nga siguro."

Nung mismong araw na nang debut ni Chiara, nabalitaan namin na di daw makakapunta yung isa niyang tito, ang plano ni Chiara e daddy na niya ang 1st and last dance.

"Tito, okay lang po ba na si Yuriel na ang 18th roses ni Jill?" tanong ni Dara. Maaga kasi kaming pumunta ng venue.

"Bakit 18th? Di ba dapat si Axl? Pang 17th na lang ako."

"Okay lang naman sa akin iyon. Ikaw na Yuriel ah?" tinapik lang ako ni tito sa balikat at saka umalis na, may gagawin pa daw kasi siya.

"Huy Dara bakit ako? Dapat si Axl yun." sabi ko sa kanya nang makaalis na si tito.

"Hayaan mo na, naurong naman na din si Axl sa 17th e, wag ka na magreklamo."

"E nakakahiya kay Axl, siya dapat sa 18th."

"Ayos lang sa akin." napatingin naman kami sa nagsalita sa likod.

"Oh, okay lang daw kay Axl, wag ka na mag inarte Yuriel, nako." tapos umalis na si Dara.

"Sigurado ka pre? Mas okay kung ikaw ang panghuli, mas matutuwa si Chiara." sabi ko kay Axl.

Ngumiti lang naman siya at umiling. "Mas matutuwa siya kapag ikaw." Pumasok na rin sa loob si Axl.

Dahil walang alam si Chiara na nandun ako ay di ako nagpakita sa kanya hanggang sa 18 roses na.

"And finally, the last dance." narinig kong sabi ng emcee kaya naman kinuha ko na yung isang rose at dumiretso na ako sa gitna.

"Happy Birthday Chiara." inabot ko sa kanya ang rose na hawak ko. Halatang nagulat siya nang makita ako.

Nabigla naman ako nang niyakap niya ako ng mahigpit at naramdaman ko na umiiyak siya. "Salamat, Yuriel."

Wala na akong ibang ginawa kundi niyakap ko rin siya ng mahigpit.

-end-

~~~~~~~~~~
A/N: Ayern. tapos na talaga siya T_T. finally!!!

Thank you dahil nakaabot ka hanggang dito.

Open-ended siya dahil, ewan, hahahahaha. Sa totoo lang di naman dapat ganyan ang ending e, pero wala na, ayan na nagawa ko.

Di naman talaga to Special chapter, ito lang nilagay kong chapter title dahil wala na ko maisip. hahahahahaha. Binigay ko lang POV ni Yuriel, dapat may Axl POV pa to e, kaso, ayoko na pahirapan ang sarili ko, hahahahahaha.

Ayown, salamat talaga sa pagbabasa sa kwentong to T_T. Atsaka pasensya na rin sa ending, huhuhuhuhu, I really tried, hahahahahaha.

Really thanks for reading ^_^

Engk! May special chapter pa to na isa, scroll ka pa ^_^

~~> EynJey <~~

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now