Chapter 25: Surprise

1.4K 48 1
                                    

© EynJey 2014

Chapter 25

"Bukas na yung presentation natin para sa T.L.E. so yung mga materials na gagamitin wag niyong kalimutan ok?" paalala nitong leader namin na si Cristine.

T.L.E. class na namin at binigay na yung time sa amin para daw makapag usap pa ng mga idadagdag at kung anu-ano pa.

Pagkatapos nung meeting namin ay lumabas na muna ako ng room.

Grabe, ang boring ng araw na to, halos di ko alam yung gagawin ko. Wala rin namang magandang nangyari e.

Simula nung mangyari yung sa clinic, hindi ko na nakita pa si Axl. Ewan ko nga kung bakit di ko nakikita yun e iisang school lang naman ang pinapasukan namin tsaka pareho naman kami ng year.

Last week na nga pala ng August ngayon, next week, September na. Grabe, ilang months na lang pala graduating na kami.

Kaya kailangang mai-push ko yung mga sinabi sa akin ni bakla bago kami mag graduate. Hindi ko pa nga alam kung saan mag-aaral ng college si Axl e, atsaka kung anong course ang kukunin niya.

Ako? Nakapag desisyon na ako na Accountancy ang kukunin kong course. Syempre, hindi porke't love ko si Axl e kung anong course niya e yun din ang kukunin ko, may sarili rin naman akong pangarap sa buhay ko.

Lumipas ang buong araw na halos wala namang masyadong nangyari sa akin.

---

"All the participants, please proceed to the gymnasium now. Thank you."

Pagkasabi nun ay isa isa na nga kaming lumabas ng room at dumiretso na ng gym.

Ngayon na presentation namin at lahat ng 4th year ay kasama dun sa sinasabi ni Ma'am T.L.E. na presentation.

Actually, di naman siya mukhang presentation lang dahil parang contest na rin yun. May mananalo sa kada room at may over all winner din naman.

Inayos na namin lahat ng mga naka-assign na dadalhin namin at pagkatapos ay umalis na kami dun at nanood na lang.

Yung mga representative lang kasi ang may karapatan na gumawa ng mga table settings kaya labas na kami dun.

After siguro ng ilang hours na pag hihintay ay nai-announce na nga kung sino ang nanalo.

"Congratulations to the group of Mr. Concepcion from IV-A, they won the first place for this presentation."

Masaya ako para kanila Axl dahil sila ang nanalo. Magaling naman kasi yung baby ko at kahit na kalaban namin sila, alam ko naman na sila na ang mananalo e.

Umakyat na sila ng stage at ibinigay na yung trophe sa kanila.

Napangiti na lang ako dahil ang lapad nung ngiti ni Axl. Nakakatuwa talaga na makita ko siya na napakasaya, iba sa pakiramdam, feeling ko ang saya saya ko na rin pag nakikita ko siyang ganun.

Inilabas ko yung 'Secret Notes' ko, di ko naman siya matawag na Diary dahil di ko naman siya sinusulatan ng mga nangyayari sa akin sa buong araw, more on simple reminder lang at yung mga importanteng bagay na gagawin ko sa isang specific date ang mga nakalagay dito sa notes ko, AT! AKO lang ang pwedeng humawak nito.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora