Chapter 39: He's finally ok

1K 29 2
                                    

© EynJey 2014

Chapter 39

Halos hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak dahil sa nakita ko.

Nakangiti sa akin si Axl habang naka-upo siya sa kama niya at gising na gising na.

"T-totoo ba 'to? G-gising ka na talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Natawa naman si tita Mel kahit naiyak din siya.

Lumapit ako kay Axl at niyakap ko siya ng mahigpit na kung pwede lang ay 'wag ko na siyang bitawan pa.

"AXL!" humagulgol na ako ng iyak dahil sa halo-halong pakiramdam ko na halos hindi ko na alam kung paano ko pa ilalabas.

Niyakap lang din niya ako at hinaplos haplos niya 'yung buhok ko. "'Wag ka ng umiyak Jill." halata pa sa boses niya na kagagaling lang niya sa tulog dahil medyo mahina ito at parang paos na ewan.

"Ikaw kasi e!" mas lalo ko lang siyang niyakap. Narinig ko lang na napatawa si Axl.

Ang saya saya ko. SOBRANG SAYA! Halos hindi ko na alam kung gaano ako kasaya ngayon. Gustong gusto kong tumalon talon sa sobrang tuwa at gusto ko ring yakapin lang ng matagal si Axl dahil nga namiss ko siya ng sobra at grabe din 'yung pag-aalala ko sa kanya.

After siguro ng halos hindi ko na alam kung ilang minuto na yakapan ay umupo na ako sa may gilid ng kama ni Axl at nagkwento na nga sila sa akin.

"Umalis lang ako saglit para bumili ng pagkain sa baba, tapos pagbalik ko sa kwarto niya, nakita ko na lang siya na nakadilat ang mata at ngumiti sa akin." kwento ni tita sa amin.

"Akala ko nga namamalik mata lang ako e, pero hindi pala, gising na talaga ang anak ko." tapos hinaplos niya 'yung buhok ni Axl. "Grabe din 'yung iyak ko kanina dahil sa sobrang gulat, kaya naman nung tinawagan ko kayo, umiiyak ako, umiiyak sa sobrang tuwa."

"Pinakaba mo nga kami dahil dun e." comment ni Mommy na nagpatawa naman sa amin.

Tinignan ko lang si Axl at nakatingin din pala siya sa akin atsaka ngumiti.

"Kamusta ka na?" tanong niya. Mukhang baliktad yata, dapat ako nga ang mangamusta sa kanya e.

"Hindi ako naging ok dahil sayo." pagsasabi ko ng totoo.

Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko. "Bakit naman?"

"Isang buwan mahigit ka kayang comatose, sa tingin mo magiging ok ako nun?"

Ngiti lang naman ang isinagot niya sa akin at hinawakan niya 'yung kamay ko. "Namiss kita." sabi niya sa akin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Kilig naman daw ako dun.

"Mas namiss kita."

After ng konting kwentuhan ay naalala ko bigla sila Dara kaya naman tinext ko silang lahat.

To: Dara, Aki, Ara, Yuriel

Guys good news. Gising na si Axl. :)

Dahil nga kagigising lang ni Axl, ang sakit daw sobra ng katawan niya kaya naman nagrequest ba naman sa akin na imasahe ko daw siya.

"Ano ka, sinuswerte? Hindi ako masahista no!" sagot ko sa kanya.

"Bilis na, ngayon lang naman ako hihingi ng favor sayo e. Ang sakit talaga ng likod ko, 'di ka man lang ba naaawa sa akin?" tapos nagpaawa effect pa siya, na sa totoo lang, ang CUTE CUTE!

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now