Chapter 34: Palawan Vacation (Part III)

1.1K 35 5
                                    

© EynJey 2014

Chapter 34

"Ok lang ba talaga tong suot ko Dara? Baka naman kung anong mangyari sa akin dun sa party pag ito ang damit ko."

Umiling iling si Dara. Ano ibig sabihin nun, hindi ok yung suot ko? Sabi na nga ba e, dapat hindi na lang ako nakinig dito kay Dara, ako na lang dapat ang namili ng damit na susuotin ko.

"Kung di pala ok to e di huhubarin---" bigla naman niya akong pinigilan nung papunta na ako ng C.R. "Sino bang may sabi na hindi ok yung damit mo?" tanong niya. Tinignan ko naman siya na parang sinasabi na napaka obvious na nung sagot sa tanong niya.

"Sino pa, e di IKAW! Tinatanong kaya kita." kita mo to, naging ulyanin na agad, kelangan na yata niyang mag memo plus dahil ang bata pa makakalimutin na, parang ako hindi ah?

"Umiling lang ako, inakala mo na na hindi bagay sayo?" tumango ako. "Lokaret ka!" tapos binatukan niya pa ako. "Bagay kaya sayo, ang ganda mo nga e."

"Tinatanong ka kasi ng maayos e."

"Umiling ako dahil hindi ka naman mapapano sa damit mo, yun yun." tapos inayos niya lang yun suot niyang headband na may bunny na design. "Tara na, naghihintay na sila sa labas." wala na akong ibang nagawa kundi ang sumunod kay Dara palabas ng kwarto namin at papunta ng lobby.

"Excited na ako." paulit ulit na lang na sinasabi ni Dara. Oo na, siya na excited.

"Nae-excite na ako sa party." naabutan namin sila na nandun na nga. Si Aki e hindi mapakali at palakad lakad sa harap nila. Isa pa tong si Aki e, parehas sila ni Dara.

"Nandyan na pala kayo!" tuluyan na nga kaming lumapit sa kanila.

"Wow, ang sexy mo ngayon Jill." nahihiyan naman akong napangiti dahil sa sinabi ni Aki. Bakit ba kasi pumayag ako na ito suotin ko?

"Tara na!" sumigaw pa si Dara with close fist in the air at lumabas na nga kami para pumunta dun sa night party.

Nadatnan namin na sobrang ingay nung resto-bar at ang dami na ring tao. Grabe, kahit gabi na e punong puno pa rin to.

"Doon tayo sa table na pinareserve ko!" sumunod na lang kami kay Aki papasok sa loob dahil sa totoo lang, siya naman ang may pakana kung bakit kami nandito.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now