Chapter 40: Will You Be My Date?

1.2K 32 9
                                    

© EynJey 2014

Chapter 40

"Hello guys. Grabe, namiss ko kaagad kayo kahit pa ilang hours lang tayong 'di nagkita kita." natatawang sabi ni Aki nung nakarating na sila sa table namin sa loob ng cafeteria at kasama niya sina Ara at Axl.

Umupo na sila sa tabi namin, nasa kanan ko si Axl habang nasa kaliwa ko naman si Aki na ang ingay dahil ang daming kinekwento.

"Hi." nakangiting bati sa akin ni axl.

"Hello." nginitian ko rin naman siya. Para tuloy kaming bagong magkakilala lang.

"Malapit na ang J.S. Prom natin, we need to prepare our dress na para dun." sabi ni Aki.

"Pwede ba mamaya ka na mag-ingay Aki? Kumain muna tayo." sabi ni Ara kaya naman tumahimik na lang si Aki. Medyo natawa kami dahil nabara ni Ara 'yung kambal niya. At kelan pa kaya natututo si Ara mambara?

"Ok, hehehe." sabi nito. "O sige na boys, mag order na kayo dun, basta ang sa akin ay pork steak with rice and ice cream tapos orange juice."

"Fillet with rice akin tapos graham and iced tea." sabi ni Dara.

"Carbonara sakin and graham din tsaka iced tea." sabi naman ni Ara.

"Ikaw Jill, anong sayo?" tanong sa akin ni Axl.

"Uhm, spaghetti tapos ice cream tsaka lemon juice." sagot ko then after nun umalis na nga sina Axl at Yuriel para pumila at bumili ng para sa lunch namin.

"Oy, balita ko nagpa-activity daw sa inyo si Maam English." sabi ni Aki sa amin. "Anong ginawa niyo?" tanong niya. Ang alam ko kasi ay last subject nila ang English kaya siguro nagtatanong sila para mapaghandaan.

"Wala naman, kwentuhan lang and bonding bonding daw by pair." sagot ni Dara.

"Ows? E 'di partner kayong dalawa?"

"Hindi." sagot ni Dara. "Si Shie ang partner ko tapos partner naman ni Jill si Yuriel." dagdag niya. Tapos ayun, nagdaldal na silang dalawa habang kami namang dalawa ni Ara ay tahimik lang.

Naaalala ko pa rin 'yung nangyari kanina. Sasabihin ko na dapat kay Yuriel 'yung tungkol sa nakaraan namin kaso biglang dumating 'yung ibang mga kaibigan niya at nanggulo sa amin. Sabi kasi nila, 'di na daw namin kailangan pa 'yung activity na 'yun, maglaro laro na lang daw kami. Kaya ayun, ang ending, hindi ko rin nasabi, nakisali pa nga sila Dara dun sa laro nila na the boat is sinking. Hanggang sa dumating si Maam tapos pinagalitan lang sila saglit tapos dinismiss din naman kami agad.

Siguro, hindi ko na lang sasabihin kay Yuriel 'yun kahit kailan, past na rin naman 'yun at dapat ng kalimutan. Nung dumating 'yung pagkain ay kumain na kami tapos kwentuhan saglit at bumalik na rin ng room.

Napag-usapan lang naman nila na sa sabado daw mamili ng damit para sa J.S. Prom. Sagot na daw ng kambal lahat ng gastos, treat na daw nila sa amin 'yun, at dahil ang kaibigan kong si Dara ay isang babaeng may napaka kapal na mukha ay napilitan akong pumayag na din.

Hanggang ngayon nga ay nag hihintay pa rin ako kung sino 'yung magiging date ko sa J.S eh. Inaasahan ko rin naman na si Axl na yun, hinihintay ko lang na ayain niya ako, pero hanggang kelan?

"Jill, mauna ka na sa cafeteria, may inutos pa kasi sa akin si Maam Castañeda e, susunod na lang ako." sabi sa akin ni Dara nung lunch break na namin.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora