Chapter 44: Confrontation

1K 19 2
                                    

© EynJey 2014

Chapter 44

"Jill, pinapatawag ka ni Mam, practice niyo na daw para sa pageant." sabi sa akin nung isa kong classmate. Nasa classroom kasi ako at busy sa pakikinig at panonood ng music video since wala naman kaming teacher dahil busy halos lahat para sa Foundation Day ng school or Intramural.

Niligpit ko na nga 'yung gamit ko saka dumiretso sa gym kung saan kami laging nagpa-practice para sa Mr. and Ms. Intrams. At ano ang role ko dun? Isa lang naman ako sa mga contestant na naisali na labag pa sa loob ko. Every section kasi required na may participant at ako ang napili sa section namin. At sino ang partner ko?

No other than Yuri aka Yuriel Xan Naval na bakla dati. Kami ang pinagpilitan nilang isali dahil nga dun sa prom na kami 'yung napiling King and Queen, tsaka na rin nung Sci-Math week, nung sumali kami sa singing contest. May chemistry daw kaming dalawa at bagay na bagay kaya naman kaming dalawa na 'yung isinali nila.

Malapit na ako sa gym ng bigla kong makita si Axl na makakasalubong ko at mukha namang hindi niya ako napansin kaya naman lumihis na ako ng landas para hindi ko na siya makasalubong pa dahil panigurado na kukulitin niya lang ako kung bakit 'di ko siya kinakausap.

1 week na rin simula nung pag-uusap namin ni Ara at marami akong nalaman na siyang naging reason kung bakit ko na rin iniiwasan si Axl.

Flashback...

"Please leave Axl and stay away from him." nagulat ako sa sinabi sa akin ni Ara kaya naman hindi agad ako nakapagsalita dahil halos hindi pa ma-digest ng utak ko kung ano ba 'yung sinasabi niya sa akin.

"Ha?"

Ara sighed. "Nakiki-usap na ako sayo, layuan mo na si Axl dahil nasisira mo lang ang buhay niya." seryoso niyang sagot sa akin.

Ano daw? Layuan ko si Axl? Ok lang ba 'tong si Ara? 'Wag niyang sabihin na porke't close kami ng kapatid niya ay mauutusan na lang niya ako basta basta. Atsaka wala akong pake kahit pa gusto niya si Axl, simula pa lang, ako na ang gusto ni Axl, kahit pa hindi niya sinasabi sa akin 'yun, alam ko naman na gusto niya ako dahil nga ako 'yung first love niya.

"Bakit ko naman lalayuan si Axl?" tanong ko sa kanya. "Atsaka, excuse me lang, anong sinasabi mong nakakasira lang ako sa buhay niya? Para sabihin ko sayo---"

"Ayaw niyang umalis ng bansa." pagpuputol ni Ara sa sasabihin ko dapat.

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. "Ano?"

Tinignan niya ako ng diretso saka nagsalita. "Ayaw niyang umalis ng bansa dahil sayo. Ayaw ka niyang iwan dito kaya ayaw niyang sumunod sa gusto ng Mommy niya."

"Bakit naman niya kailangang umalis? E pwede naman siyang magstay na lang dito sa Pinas."

Napansin kong 'di mapakali si Ara pero maya maya rin ay napa-exhale na lang siya saka uminom saglit. "Alam kong magagalit sa akin si Axl kapag sinabi ko 'to sayo, pero para sa kapakanan niya, ako na ang magsasabi dahil alam kong ayaw niyang ipaalam sayo."

"Ipaalam ang ano?" tanong ko. Saglit na tumahimik si Ara bago seryosong sumagot sa akin.

"Kailangang pumunta ni Axl sa ibang bansa para magpagamot."

Nagulat ako sa sinabi ni Ara. "Magpagamot? Bakit, may sakit ba siya? Anong meron at bakit niya kailangang magpagamot?" natatarantang tanong ko.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now