Chapter 23: New Friendship

1.9K 51 2
                                    

© EynJey 2014

Chapter 23

Jacquelyn POV ( Mommy ni Jill )

"Sabi ko sayo best e, effective yung naisip kong plano, tignan mo, ang close na nilang dalawa." sabi sa kaibigan ko habang nakatingin kami sa mga anak namin na masayang nagla-laptop. "Kailangan lang talaga nila ng magandang communication at ng time para sa isa't isa syempre."

Napansin ko naman napangiti si Xandra nung tignan ko siya. "Oo nga best, tignan mo, ngumigiti na ulit yung anak ko."

Parehas na lang kaming napangiti habang pinapanood ang aming anak.

Jill POV

Ang dami ng nangyari mula ng maging ok ang relationship namin ni Yuriel sa isa't isa.

Naging mas malapit kami at laging nagkekwentuhan ng mga nangyari sa amin sa buong araw pag hindi kami magkasama.

Halos lahat ng classmates namin e nagulat dahil kahit sa school ay close kaming dalawa at laging magkasama.

Lagi na naming kasama ni Dara si Yuriel at yung buong barkada niya. Naikwento na kasi namin sa kanila yung mga nangyari at masaya naman silang lahat para sa amin.

"Bilis na friend, sumama ka na kanila Dara ngayon." pagpupumilit ko kay Yuriel habang kausap ko siya sa phone.

"Sorry friend, di kasi ako pwede today, aalis kami nila Mommy at gusto nila akong isama. Alam mo na, kailangang maging masunuring anak."

Natawa naman ako dun sa sagot niya.

Yung pagpapanggap namin ni Yuriel as boyfriend and girlfriend ay tuloy pa rin pag nandyan yung mga parents namin.

Ok na rin yung relationship ni bakla sa parents niya at mukhang hindi na daw siya pinagdududahan ng mga ito, mukhang maganda naman yung acting naming dalawa.

"Hahaha, ok ok. Ingat na lang kayo ng family mo sa pupuntahan niyo, babayuuu!" sabi ko sa kanya.

"Ikaw din girl, ingat. Babush na rin!" tapos binaba ko na nga yung phone calls.

Umakyat na ako ng kwarto ko at nag-ayos ng sarili bago magpaalam kay Mommy.

"Mi, pupuntahan ko lang si Dara sa kanila." paalam ko habang dire-diretsong lumabas ng bahay.

Naglakad na nga ako papunta kanila Dara dahil gusto daw ng kakwentuhan at hindi siya makalabas ng bahay nila, ewan ko ba sa isang yun, baka may ginawang kalokohan kaya grounded.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now