Chapter 42: She Kissed Him

1.3K 28 8
                                    

© EynJey 2014



Chapter 42



"Oh my gosh, congrats best." sabi nila Dara sa akin at ipinagtulakan na nga ako papunta dun sa parang dance floor sa gitna tapos si Yuriel naman ay sumunod na rin. Sa totoo lang, 'di ko naman expected na ako ang makukuhang Queen of the night, at kung ako man, hindi ko naman expected na si Yuriel ang sa King of the night dahil ang buong akala ko, si Axl ang makukuha.



Nagtilian 'yung ibang mga estudyante at halos gusto ko ng lamunin ng lupa dahil sa kahihiyan. 'Di talaga ako masyadong sanay sa ganito, lalop pa't first time ko pa lang maka-attend.



"Ang ganda at ang gwapo ng ating Queen and King right?" nanunuksong tanong nung emcee. Sumigaw naman ng "yes" 'yung buong crowd tapos sinabi pa ng emcee na bagay daw kami. Err, ang awkward nun.



Pinagsayaw na nga kami at infairness, ang gwapo ni Yuriel ngayon. Iba 'yung aura niya at mukhang pinanindigan na niya ang magpakalalaki.



"Ang ganda mo ngayon Jill." sabi niya sa akin nung nagsasayaw na kami.



"Ngayon lang?" natawa naman siya dun sa tanong ko. "Hindi, maganda ka naman lagi e, pero mas maganda ka ngayon." napatahimik ako dahil sa sinabi niya. Hindi kasi ako masyadong sanay na ganito si Yuriel. Mas ok kasi sa akin na babakla bakla siya at hindi ganito, nahihiya tuloy ako sa kanya at na-o-awkward.



"Salamat." nakayukong sagot ko sa kanya tapos nagsayaw lang kami ng nagsayaw hanggang sa pa-akyatin na nga kami ng stage at pina-upo dun sa pwesto namin na malaki at magandang upuan na para talagang upuan ng queen and king.



Sumunod na in-announce ay ang Star of the Night, si Akira ang nakuha tapos 'yung isang third year na mukhang may crush pa yata kay Akira dahil inaasar asar nung mga kaibigan nito. Iba talaga 'yung charisma ni Aki, kaya hindi na ako nagtataka na ang daming nagkakagusto sa kanila ng kambal.



Sunod naman na binanggit ay 'yung couple of the night na kinuha dun sa mga teacher namin. 'Yung teacher namin na mag-asawa ang napili at after nilang magsayaw, 'yun na 'yung naging cue para sa mga estudyante na magsayaw.



Pinababa na kami ng stage at bumalik na nga kami dun sa table namin. Pagka-upo ko pa lang sa tabi ni Axl ay niyaya na niya akong magsayaw.



"May I have this dance?" tanong niya habang nakalahad pa 'yung kamay sa harap ko. Inabot ko naman 'yung kamay ko at pumunta na nga kami dun sa lugar na marami na ring nagsasayaw.



Now Playing: Can I have this dance by High School Musical

My Boyfriend is a Gay (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя