Chapter 29: Happy and Contented

1.4K 41 16
                                    

© EynJey 2014

Chapter 29

Buong araw ng Saturday ay nasa bahay namin yung triple A, si Aki, Ara at Axl. Kelan ko nga lang din napansin na parehong mga A pala yung start ng mga pangalan na tinatawag ko sa kanila.

Sinamahan nila ako sa bahay at kahit papano, hindi na kami masyadong awkward sa isa't isa kahit pa kahapon lang namin nalaman yung katotohanan tungkol sa nakalimutan kong pagkatao.

Napansin ko lang na masyado ng nagiging clingy sa akin si Axl. Yung tipong maya maya, didikit siya sa akin at halos sinusundan niya ako kahit saan ako mapunta. Halos ayaw niyang mahiwalay siya sa akin.

Napa-isip tuloy ako. Dahil ba sa ako si Ara na first love ni Axl kaya nagkakaganito siya sa akin? Kung di pala ako yun, malamang, hindi siya magiging ganito sa akin.

Naalala ko rin na kinwento nila Aki sa akin na si Kurt daw ang gusto ko. Pero bakit ganun? Kahit anong isip at alala ko sa kanya, hindi ko maramdaman na minahal ko siya noon.

Dahil ba sa nagka-amnesia ako? Kasama ba ng pagkawala ng memorya ko ang pagkawala ng nararamdaman ko para sa kanya? Alam niya rin kaya na ako si Ara? Pano pag nalaman niya, anong gagawin niya?

Ang daming tanong ang pumapasok sa utak ko na hanggang ngayon, hindi ko pa rin mabigyan ng kasagutan dahil kahit ako, gulong gulo na rin.

Kinabukasan ay Sunday kaya naman maaga palang ay pumunta na kami ng simbahan para magsimba. Our way of thanking God for everything.

Pagkatapos ay umuwi na kami kaagad. Another day na naman na nakatambay lang ako sa bahay at mabo-bored.

Pagkarating namin ay umakyat na agad ako ng bahay para magbihis ng damit pero nagulat ako sa bumungad sa akin. Napatakip na lang ako ng bibig dahil sa sobrang gulat sa tumambad sa akin sa loob ng kwarto ko. 

Punong puno yung dingding ko ng mga sticky notes at sa gitna ay puro picture naming magkaka-ibigan na bumubuo ng sentence na Happy Birthday.

Tuloy tuloy na tumulo yung mga luha ko dahil sa sobrang saya and at the same time, sa pagkabigla. Birthday ko pala ngayon? Halos hindi ko na naalala dahil sa sobrang dami kong iniisip na hindi na siya halos pumasok sa isip ko.

May nakaturong arrow dun at ang nakalagay ay Go to the park after you read this kaya naman wala na akong inaksaya pang oras dahil tumakbo na ako papunta dun sa malapit na park sa bahay namin kahit pa umiiyak ako at halos blurred na yung paligid ko.

Mas lalo din akong napa-iyak sa tumambad sa akin sa park.

"Nakakainis kayo." nasabi ko na lang sa sarili ko at patuloy pa rin na umiiyak.

May malaking banner ang sumalubong sa akin na may Happy 17th Birthday Jill .

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now