Chapter 11: Deal

2.1K 71 4
                                    

© EynJey 2014

Chapter 11

Ano ba 'tong nangyayari sa buhay ko ngayon!?

Halos hindi ko na alam ang gagawin ko habang itong mga kasama ko dito sa table e mga nagkakasiyahan.

Mukhang masaya yata sila sa mga narinig nila a? Obvious naman e. -_-.

"Cheers tayo para sa ating mga anak." sabi ni Daddy sabay taas nung baso niya at nakipag cheers nga sa kanila.

Tinignan ko naman si Yuriel na mukhang seryoso lang at halos walang reaksyon sa kung anong mga inaakto ng parents namin.

Bakla ka talaga, wala ka man lang balak magpaliwanag!? Hays!

Dapat pala hindi ko na lang ginawa 'yung sa mall para wala akong problema ngayon. Ito rin namang kapatid ko e ubod naman talaga ng daldal.

"Oi, sinong may sabing madaldal ako?" tanong ni Kuya sa akin matapos niya akong kalabitin. "Sinasabi ko lang naman 'yung totoo." dagdag niya.

Tinignan ko lang ang kapatid ko ng nagtataka. Anong sinasabi ng--- walang hiyang 'yan 'wag niyang sabihing narinig niya 'yung sinabi ko!? E iniisip ko lang naman 'yun.

"Malamang maririnig ko e ang lakas kaya ng boses mo, at hindi mo naman iniisip 'yun e, binubulong mo nga yata e." sumagot na naman ang magaling kong kapatid tapos tumawa pa siya bago inumin 'yung baso niya may alak. Hmm, buti pwede siyang uminom?

"Ewan ko sayo." sagot ko sa kanya saka siya inirapan at binalewala na lang kung ano man 'yung mga narinig niya na pinag sasasabi ko.

Nagulat na lang ako ng biglang may sumisipa ng paa ko. Nice one ah, gawin ba namang bola ng soccer 'yung paa ko?

Tinignan ko kung kaninong paa 'yung naninipa sa akin at mas lalo pa yata akong nagulat ng makita ko ang paa ni Yuriel at ng tumingin ako sa kanya e sinenyasan niya lang ako na sumunod bago siya tumayo sa upuan niya at lumabas.

Dahil ako'y isang masunurin na nilalang e maya-maya ay sumunod na rin ako. Buti nga hindi ako nakita ni Kuya pati na rin ng mga tanders dahil baka mamaya e asarin pa kami ng mga 'yun.

Sinundan ko lang si Yuriel at nakita ko siya sa may dalampasigan at nakatingin sa malayo.

Hay, ang gwapo nga talaga niya. Kung hindi lang siya bakla at kung hindi lang siya bully baka nagustuhan ko nga talaga siya tulad ng sinabi ng best friend ko na si Dara.

'Yung pangangatawan pa lang niya, 'yung maganda at mahahaba niyang pilikmata at matatangos na ilong, perfect na perfect na talaga siya, kaso--- bakla!

Naglakad na ako palapit sa kanya at tinignan na rin 'yung tinitignan niya; 'yung malawak na dagat na kahit madilim e napakaganda pa rin dahil sa liwanag mula sa buwan.

Tahimik lang siya kaya naman tumahimik na lang din ako.

Napaka-awkward talaga ng atmosphere sa aming dalawa dahil alam niyo na, once in a blue moon lang mangyari na malapit ako ng ganito dito kay Yuriel dahil napaka init ng dugo sa akin, akala mo naman ginawan ko ng napakalaking kasalanan kung mang-api.

Ano kayang kailangan nito at pinapunta pa ako dito? At pa'no ko kaya malalaman kung ano 'yun kung hindi rin siya nagsasalita? Hay, buhay nga naman ng tao.

Akala ko mananatili na lang 'yung katahimikan sa pagitan naming dalawa pero nagulat na lang ako ng bigla siyang magsalita.

"Alam mo bang proud na proud sa akin sila Mommy at Daddy?" tanong niya at tumingin sa akin saglit bago humarap muli sa may dagat.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now