Chapter 46: Welcome Back!

936 20 7
                                    

© EynJey 2014

Chapter 46

"Dara, gising ka pa ba?" tawag ko kay Dara na nasa kabilang kama at nakatalikod sa akin. Kanina pa kami nakauwi at mula nung sabihin ni Mommy ang tungkol sa pagpunta namin sa Korea, hindi na ako masyadong pinapansin ni Dara. Siguro ay malungkot lang talaga siya dahil marami kaming plano na gustong gawin ngayong summer, ngunit mukhang 'di na matutuloy ang mga ito dahil sa susunod na araw na ang flight namin.

"Goodnight Dara." pagkatapos nun ay natulog na rin ako.

Kinaumagahan ay nakita ko ang mga magulang ko na busyng makipag usap sa mga parents nila Dara, mukhang sinusulit nila yung huling araw na stay namin dito. Nakita ko rin sila Dara na tahimik lang na nasa gilid.

"Dara." nilapitan ko kaagad siya.

"Oh?"

"Tara, pasyal tayo saglit." hinawakan ko na yung kamay niya at hinila na siya palabas ng hotel para 'di na siya maka angal. Nakasalubong pa namin si Yuriel at sumama na rin ito sa amin.

"Saan naman tayo pupunta ngayon?" tanong ni Yuriel.

"Dun sa Sky Ranch, maganda daw dun e." sabi ko at dumiretso na nga kami dun. Medyo hindi namin kabisado ang lugar kaya naman nagtanong tanong lang kami at sa wakas, nakarating na rin kami.

Buong araw ay wala kaming ibang ginawa kung 'di ang mag enjoy at sulitin ang buong araw na magkakasama kami. Marami rin kaming kinain at feeling ko sobra sobrang busog na ako dahil maya't maya e may kinakain kami. Gabi na rin kami umuwi at sa huling pagkakataon, sumakay kami dun sa Ferris Wheel ng Sky Ranch at inenjoy ang view mula sa taas.

"Oh, nandyan na pala kayo, kanina pa namin kayo hinahanap dahil maghahapunan na." nakasalubong namin 'yung mama ni Dara at sumunod na nga kami sa kanya dun sa restaurant kung saan kami maghahapunan.

"San ba kayo galing Jill? Ba't ngayon lang kayo?" tanong ni Mommy.

"Pumunta po kami ng Sky Ranch tita, nag enjoy at naggala gala po." si Dara na ang sumagot sa tanong ni Mommy, kaya tumango na rin ako bilang pag sang-ayon.

"Ganun ba, o sige, pagkatapos nating kumain e maghanda ka na ng mga gamit mo, dahil bukas ng tanghali ang flight natin. 'Di na tayo masyadong magdadala ng maraming damit dahil dun na lang daw tayo bibili." tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Medyo nawalan ako ng gana dahil bukas na pala ang flight namin, ibig sabihin, aalis na kami ng Pinas at maiiwan namin ang mga taong malalapit sa amin.

After nung dinner ay dumiretso na ako ng kwarto para mag impake. Nagulat ako ng biglang pumasok si Dara sa kwarto at lumapit sa akin. Tinulungan niya akong mag ayos ng mga gamit ko.

"Bukas na talaga ang alis niyo, mukhang hindi na talaga kayo mapipigilan." malungkot na sabi niya.

"Ano ka ba naman Dara, alam mo naman kung bakit kami aalis 'di ba? Kung ako lang ang papipiliin, ayaw ko ring umalis, sanay na ako dito, at ayaw ko kayong iwan, pero kailangan kasi e."

"Naiintindihan ko naman e." at tumango tango rin siya.. "Basta, padala mo sa akin si Lee Min Ho ah?" dagdag niya.

Natawa naman ako bigla sa sinabi niya. "Oo na, ibabalot ko si Lee Min Ho at ipapa-package ko sayo." parehas kaming natawa. Mahal na mahal niya kasi si Lee Min Ho, 'di lang halata.

"Mamimiss kita bes." at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Mamimiss rin kita."

***

My Boyfriend is a Gay (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt