Chapter 1: New Teacher

5.4K 115 21
                                    

© EynJey 2014

Chapter 1

"I love you Jill." sabi niya sa akin.

"I love you din Chen."

Unti unti e lumalapit na ‘yung mukha niya sa akin. Pumikit na ako at inabangan ang mga susunod na mangyayari. Ayan na, malapit na.

"WAKE UP! WAKE UP! WAKE UP SLEEPY HEAD!"

AY LECHE NAMAN OH!

AYUN NA E! MALAPIT NA AKONG HALIKAN NI CHEN NG EXO! KONTING KONTI NA LANG kaso bw*set naman ‘tong alarm clock na ‘to o. WRONG TIMING naman palagi.

Wala na akong magagawa dahil naputol na ‘yung panaginip ko kaya naman bumangon na ako. Tinignan ko ‘yung orasan sa bedside table ko, 5:30 am.

Nakaka bad trip talaga. Minsan ko na nga lang mapanaginipan si Chen e tapos napurnada pa. Ginawa ko na lang ‘yung daily routine ko at pagkatapos e naghanda na para pumasok sa school.

"Jill, nakahanda na ‘yung pagkain! Bumaba ka na jan." sigaw ni Mommy mula sa labas.

"Andyan na po!" sagot ko naman kay Mommy bago nag-ayos sandali at tuluyang bumaba.

Bago nga pala ang lahat, magpapakilala muna ako, baka kasi makalimutan ko e.

Ako nga pala si Chiara Jill Agundo, Jill ang tawag ng halos lahat ng nakakakilala sa akin. Mas gusto ko kasi gamitin 'yung second name ko e, parang ang astig pakinggan.

4th year high school na nga pala ako sa Almeda Development Academy o ADA. Ganyan talaga ang initials ng school namin dahil ‘yan daw ‘yung nickname nung may-ari.

Pumwesto na ako sa dining table pagkababa ko at nagsimula na kaming magdasal bago kumain.

"Nga pala Jill." sabi ni Mommy sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya. "Tumawag dito si Dara kanina at sabay daw kayong pumasok." dagdag niya.

"Ok po." tapos nagpatuloy na kami sa pagkain.

Si Dara nga pala e ‘yung girl best friend ko since elementary, grade 5 to be exact. Dara Shin Cueto 'yung whole name niya, tunog Korean dahil maka KPOP daw ‘yung mama niya kaya ipinangalan siya dun sa favorite nitong si Sandara Park ng 2ne1.

Umupo muna ako sa sofa nung tapos na kaming kumain dahil hinihintay ko pa si Dara na ang tagal tagal, lagi na lang.

Maya maya pa e may nag doorbell na. "Buksan mo na ‘yun Jill at baka si Dara na ‘yan." sabi ni Daddy na nanonood ng balita dun sa gilid ko.

Tumayo na ako at tama nga si Daddy dahil bumungad sa akin ang nakangiti ng malapad na mukha ni Dara dun sa may gate namin. "Sensya na Jill medyo natagalan ako, hehehe." nag peace sign pa siya.

Lumapit na ako at pinagbuksan siya at pumasok na kami sa loob.

"Kelan ka ba 'di nahuli?" pabirong tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay.

Nag pout siya bigla. "Ito naman, minsan lang kaya." tignan mo nga naman ang isang ‘to, kala mo minsan e bata dahil ang hilig mag pout. "Good Morning po tita and tito." bati niya ng makita sila Mommy at Daddy. Ngumiti lang naman ang parents ko sa kanya at bumati rin.

Dahil almost one hour na lang at mag se-seven na kaya naman umalis na kami.

"Alis na po kami." paalam ko kanila Mommy saka nag kiss sa pisngi nila. Nakasanayan ko lang talaga ‘yung ganun tuwing umaalis ako ng bahay.

"O sige mag-iingat kayo.”

Naglakad na nga kami ni Dara papuntang sakayan tapos naghintay lang saglit ng jeep saka sumakay. Medyo mahaba rin ‘yung biyahe namin kaya naman nag kwentuhan muna kami saglit ng kung anu-ano. Pagkababa namin ng jeep e sumakay kami ng tricycle pa-diretso dun sa school namin. Pagkatapos e naglakad na kami papunta sa gate ng makita namin ‘yung grupo nila baklita na nagtatawanan.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now