Chapter 32: Palawan Vacation (Part I)

1.4K 35 0
                                    

© EynJey 2014

Chapter 32

"Pakipasok na lang po yung mga gamit namin sa loob, salamat." busy ang mga tao sa bahay nila Aki, lalo na siya dahil naghahanda na kami sa pag-alis namin papuntang Palawan.

"Inay, wala na po ba kaming naiwan sa loob?" tanong ni Aki dun sa pinaka matandang kasambahay nila, nasa loob na kasi kami ng van nila at nag kanya kanyang upo na rin yung iba.

"Ok na hija, ingat kayo sa bakasyon niyo." tapos nagmano lang si Aki dun sa kasambahay at sumakay na nga. Nakikaway na ako nung nag-umpisa ng umandar yung sasakyan.

Sumandal na ako sa upuan ko dahil medyo inaantok na ako, gabi na kasi, lagpas 6 na rin kaya siguro ganto yung nararamdaman ko.

Katabi ko nga pala si Axl ngayon. Nahihiya nga ako na siya yung katabi ko e, mas gusto ko pa si Dara dahil kahit matulog ako na tulo laway, wala namang paki-alam yun, pero di talaga tumutulo yung laway ko, promise. Maniwala kayo, nagsasabi ako ng totoo.

Magkatabi si bakla tapos si Dara tapos sa pinakaharap banda ay yung kambal na busy-ing kumain nung dala nilang junkfoods. Fieldtrip lang ang drama namin ngayon.

"Gusto niyo?" inabot naman bigla ni Aki yung malaking Pic-A kaya naman inabot ni Dara na nasa likod. "Kuha lang kayo."

Kumain lang sila Dara at bakla tapos yung pagkain e hindi na naka-abot sa amin sa likod, kanila Dara pa lang ay ubos na kaya naman di na ako umasang makaka kain ako nun. Parang gusto ko naman, di ba?

"Ok ka lang ba Jill?" nagulat ako ng biglang bumulong si Axl sa akin at pagtingin ko sa kanya...

O////////////////O A-ang lapit nung mukha niya, natulala tuloy ako sa sobrang gulat dahil sa ginawa niya.

"A-a-ah, o-o-oo, o-okay lang a-ako." nakakahiya, nauutal ako, ng SOBRA SOBRA! Ikaw ba naman, sobrang lapit ng mukha ng crush mo sayo, makapag salita ka pa kaya ng matino? Pakiramdam ko, nagkalas kalas lahat ng piyesa sa utak ko dahil pagkatapos niyang tumango sa sagot ko, natulala na ako buong biyahe.

Nagising na lang ako nung naramdaman kong gumalaw yung katabi ko, tinignan ko siya at saka ko lang napagtanto na si Dara pala yun, ang sarap sarap pa ng tulog niya habang yakap yakap yung unan niya dapat. Nasan na kaya kami? 

Tinignan ko yung oras sa cellphone ko at nakita kong alas dos na ng madaling araw. Huh? Nakatulog pala ako sa biyahe. Nasa Palawan na ba kami? Napansin ko rin kasi na nasa parang kwarto kami, may ganito ba sa van nila Aki? Wala naman akong napansin na ganito kaya imposibleng nasa sasakyan pa kami.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now