Chapter 41: J.S. Prom

1.1K 28 12
                                    

© EynJey 2014



Chapter 41



"Anak, nandito na 'yung mag-aayos sayo." I nodded tapos pinatuyo ko na nga 'yung buhok ko dahil kakatapos ko lang maligo.



Ngayon na nga pala ang J.S. Prom namin at nakabili na rin kami ng mga damit. May boutique pala ang kambal kaya naman dun kami bumili at sagot na nila lahat ng gastos, pati sapatos at mga jewelry.



Pumasok na sa kwarto ko 'yung bakla na friend ng Mommy ko, si K.C.



"Hi Jill, ang pretty pretty mo ngayon." sabi niya sa akin habang nilalapag niya 'yung mga gamit niya.



"Oo na K.C., bibigyan kita ng tip mamaya." then we both laughed.



"Ano ka ba hija, totoo 'yung sinasabi ko, mukhang hindi na ako mahihirapang ayusan ka ngayon dahil maganda ka na talaga." feeling ko tuloy lumalaki 'yung ulo ko dahil sa mga sinasabi nitong si K.C.



"Sabi mo 'yan ah."



Tinulungan na niya akong i-blow dry 'yung buhok ko then pinasuot na muna niya sa akin 'yung dress bago niya ako ayusan, para daw hindi magulo 'yung buhok at make-up ko dahil nakasuot na daw sa akin 'yung dress.



"Bagay sayo 'yung dress mo Jill, lumilitaw 'yung pagiging maputi mo."



"Thank you."



Inuna niyang ayusin 'yung buhok ko, at habang ginagawa niya 'yun, nagtetext ako para naman hindi ako masyadong mabored.



From: Dara

Good Afternoon! ^_^

Today is the day!

So excited sa J.S. Prom mamaya.

Kita kits guys and gals. <3


> g.m <



Nireply-an ko siya.



To: Dara


Good Afternoon din. :)

Inaayusan na ako ngayon. Ikaw?

My Boyfriend is a Gay (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum