Chapter 3: Chray Japer Agundo

3.1K 82 5
                                    

© EynJey 2014

Chapter 3

Pagkatapos kong magbihis ng pam-P.E. e hinintay ko munang matapos ‘yung klase kaya naman tumambay muna ako sa may lobby at doon umupo.

Ayaw ko kasing makita ako ni Ma’am dahil for sure e sisinghalan lang ako nun at tatanungin kung bakit ako tumatambay imbis na pumasok sa klase niya. Siguro mga 20 minutes lang akong naka-upo dun at tulala ng biglang mag bell na kaya naman tumayo na ako at nagtago muna saglit at hinintay na lumabas na si Ma’am sa classroom.

Nakita kong sumunod na lumabas si Dara na nagmamadali kaya naman pinuntahan ko na siya agad at sinabing half day lang ako dahil kailangan kong umuwi ng bahay para magpalit ng bagong uniform.

"Sure ka bang ayaw mong samahan kita?" tanong niya sa akin pagkabigay niya nung mga gamit na naiwan ko sa loob. Umiling na lang ako saka siya nginitian. "’Wag na, may next subject pa tayo, dito ka na lang, babalik rin naman ako agad e."

Tumango tango lang siya tapos pumasok na ulit sa loob. Ako naman e umalis na at sinabi dun sa guard na magpapalit ako ng uniform dahil nga nadumihan 'yung suot ko. Ayaw pa nga akong palabasin dahil baka 'di na daw ako bumalik, pero dahil makulit ako e napapayag ko naman sila at sinabi kong babalik ako after ng lunch break.

Sumakay na nga ako ng tricycle na nakaparada dun sa gilid at dahil punuan ‘yun e naghintay muna kami ng ilang pasahero bago umalis. Pagkababa ko naman e nagbayad lang ako tapos naghintay ng jeep papunta dun sa lugar namin.

Malayo talaga ang biyahe ko mula samin hanggang sa school. Nagtataka nga ‘yung iba kong classmate kung bakit dun daw ako pumasok e may mas malapit naman daw na school sa amin. Ewan ko lang, mas trip ko kasi 'yung ADA kesa sa ibang school sa amin, kahit si mommy nga e nawi-weirduhan na rin sa akin e at dahil best friend kami ni Dara e dun na rin siya nag-aral para magkasama daw kaming dalawa.

Pagkababa ko ng jeep e naglakad lang ako ng konti tapos nasa tapat na ako ng bahay namin. Napangiti ako ng may makita akong kotse sa may garahe namin, OH MY GOSH! Nandito siya.

Binuksan ko na ‘yung gate namin at patakbong pumasok sa loob at kumatok. Mas lalo akong napangiti ng makita kung sino ang nagbukas ng pinto.

"KUYAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!" tapos bigla ko siyang niyakap. Grabe, namiss ko ‘tong kapatid ko. Niyakap niya rin naman ako.

Pagkabitaw namin sa isa't isa e pinat niya ‘yung ulo ko. "Ang laki laki mo na talaga baby girl." napa-pout na lang ako sa sinabi niya. Hay naku naman talaga, ito na naman kami sa 'baby girl' na ‘yan.

Tumawa lang siya ng malakas dahil sa naging reaksyon ko. Alam niya naman kasi na ayaw na ayaw ko na tinatawag akong baby girl e, ano ako, BATA?

Tinawag kami ni Mommy na nasa may kusina pala kaya naman sabay na kami ni kuyang pumunta dun.

"O Jill, ang aga mo naman yatang umuwi?" tanong sa akin ni Mommy habang naglalapag ng mga pagkain sa may mesa. "Atsaka bakit ka nakapam-P.E.?" dagdag niya.

Nagmano muna ako sa kanya saka umupo bago sumagot. "Hay naku Mommy, mahabang kwento." tapos kumuha na ako nung mga pagkain saka kumain. Infairness, ginutom ako dun sa biyahe.

"Baka naman pasaway ka sa school niyo baby?" tanong ni Kuya na kumakain na rin pala. Inismidan ko nga. "Di noh. Ang bait bait ko kaya."

Tumawa lang sila nila Mommy. Sabay sabay na kaming kumain ng lunch since 12 na rin. Wala rin kasi si Daddy dahil pumasok na ‘yun sa trabaho.

"Nga pala Kuya." Sabi ko habang kumukuha ng ulam.

"Hmm?" sagot niya dahil puno ‘yung bibig niya ng pagkain. Tignan mo nga naman ang isang ‘to, ang takaw takaw pero ang payat payat naman.

"Bakit nandito ka? May pasok ka ‘di ba?" College na kasi ang kapatid ko at nag dodorm siya kaya naman nakakapagtaka na napadalaw ‘to dito e sa pagkaka-alam ko e ‘di pa naman nila bakasyon e.

"Masama bang dumalaw?" nakangiting tanong niya.

Umiling-iling lang ako habang nakangiti. "Hindi naman." tapos uminom ako ng juice. "Mabuti nga at napadalaw ka e, namimiss ka na rin namin e."

Mas lalong lumapad ‘yung ngiti ng kapatid ko. "Asus, sabihin mo namiss mo lang ako, BABY GIRL." tapos tumawa naman siya ng malakas. Naku naman, ang lakas talagang mang-inis nitong kapatid ko.

Si Mommy naman e natatawa na lang sa aming dalawa. Hindi ko na lang pinansin ‘yung kapatid ko at inubos na lang ‘yung pagkain ko para naman makabalik din ako agad sa school.

Umakyat agad ako sa kwarto ko pagkatapos kumain at naligo ulit atsaka nagpalit na ng bagong uniform. Nasabi ko na rin sa kanila na babalik din ako ng school dahil magpapalit lang naman ako ng bagong uniform.

Pagkababa ko e nakita ko sila Mommy at Kuya na nasa sala at nag-uusap. Hmm, mukhang seryoso yata ‘yung pinag-uusapan nila?

Lumapit na ako sa kanila at umupo dun sa sofa katabi ni kuya. "Anong meron?" tanong ko.

Ginulo lang ni Kuya ‘yung buhok ko. "Ano ba naman yan Kuya!" irita kong saway sa kanya. "Ang hirap hirap kayang magsuklay."

Nginisian niya lang ako tapos sumandal na sa sofa. "Sinasabi ko lang kay Mommy na ipapakilala ko ‘yung girlfriend ko sa inyo." sagot niya marahil dun sa tanong ko.

Napanga-nga talaga ako sa sinabi niya, LITERAL na napanga-nga at nanlalaki pa ang mga mata.

"TALAGA KUYA!?" excited na tanong ko. "MAY GIRLFRIEND KA NA?"

Napatakip naman siya ng tenga niya. "Oo nga baby girl, anong tingin mo sa akin, 'di magkaka-girlfriend?"

‘Di ko na lang pinansin ‘yung pagtawag niya sa akin ng baby girl. Nae-excite lang talaga ako kasi ito ang unang beses na nagka girlfriend ‘yung kapatid ko. Wala naman kasi kaming nababalitaan na nililigawan niya e o kaya naman e mga girlfriend o kahit fling man lang.

"Kelan mo nga ulit siya dadalhin dito Chray?" tanong ni Mommy kay Kuya.

"Next week po siguro Mommy, medyo busy pa po kasi kami dahil kakatapos lang po ng prelim namin." tapos humarap sa akin si Kuya. "Be good to her ok?" bilin niya sa akin. Nakangiti lang akong tumango tango sa sinabi niya.

At last, nagka grilfriend na rin ang kapatid ko. Buti pa siya, masaya na sa lovelife niya, ako hanggang ngayon nga-nga pa rin. Ay! 'Di na pala nga-nga dahil nakau-usap ko siya kanina, hihihi.

Mga 12:30 na yata nung nagpa-alam na ako sa kanila na babalik na akong school. Si Kuya naman e sinabing ihahatid niya daw ako ng school tutal e mag-i-stay pa daw siya sa bahay at bukas na lang daw siya babalik sa dorm niya. Sabi ko e ‘wag na at mag kwentuhan nalang sila nila Mommy at kaya ko naman ang sarili ko.

Medyo naging mabilis ‘yung biyahe ko kaya naman mga 1:15 pa lang e nasa school na ako. Wush! Buti na lang naka-abot ako, 1:30 kasi start ng afternoon class namin e.

Nakita ko naman si Dara na nag-aabang sa gate kaya naman nilapitan ko na agad siya. "Buti naka-abot ka kaagad Jill." sabi niya sakin nung makalapit na ako. "Oo nga e, salamat sa paghihintay sa akin." tapos sabay na kaming naglakad papuntang room.

Medyo kinakabahan pa nga ako e dahil baka mamaya kung ano na naman ang gawin sa akin ni bakla. Napansin yata ni Dara na 'di ako mapakali kay hinawakan niya sa ako sa balikat. "Don't worry, pinagsabihan ko na ‘yung si Yuri kanina." nakaluwag naman ako agad. "Tsaka subukan niya lang na saktan ka ulit, makakatikim na talaga siya sa akin." dagdag niya.

Napangiti ako sa sinabi ng bestfriend ko. Kung wala siya e malamang ay ‘di ko na alam ang gagawin ko. Napakaswerte ko talaga sa kanya, dahil lagi siyang nandyan para sa akin.

~~~~~~~~~~

A/N: Nagmamadali ako dahil manonood ako ng Harry Potter, hahaha, namiss ko kasi 'yun e.

Thanks for reading this! ^_^

~~> EynJey <~~

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now