Chapter 35: Palawan Vacation (Part IV)

1.1K 37 4
                                    

© EynJey 2014

Chapter 35

"Salamat po!" naabutan namin na paalis na yung katiwala nila dun sa resort sa may dalampasigan at may apoy na rin dun sa magiging pwesto namin mamaya.

"Buti nandyan na kayo!" excited si Aki at kami namang lahat ay umupo na sa palibot nung apoy.

"Maganda talaga mag ganito pag gabi tapos malamig pa." tuwang tuwa naman na sabi ni Dara.

"Dapat may mga pinapaapuyan tayo dito, yung mga na sa stick na pagkaintulad nung marshmallow kaya karne." sabi naman ni Yuriel. "Oo nga!" mabilis pa sa alas kwatro na sumang-ayon si Dara. Feeling ko talaga hindi nagkakalayo ang dalawang to ng utak e.

"May ganun ba?" worried na tanong ni Aki. Tumango naman si Dara at Yuriel. "Haladapat pala nagpagawa ako ng ganun." ok, mukhang napasakay nila si Aki.

"Teka lang ah---" tatayo na sana si Aki, siguro magpapagawa nga siya dun sa mga katiwala pero pinigilan naman siya nila Dara. "Wag na, ok na yan. Ok  na yung ganito." tapos bumalik na ng upo si Aki.

Tahimik lang akong nakatingin dun sa apoy sa gitna, ang kulit kasi e, medyo nagwe-wave siya dahil sa hangin tapos kulat orange siya na may pagka red na yellow. Ang gulo, di ba? Basta, kulay apoy siya

Naramdaman ko naman na may parang nakatingin sa akin tapos pag lingon ko sa paligid, wala naman.

Ang weird.

Alam niyo yung feeling na parang may nagmamasid sayo? Yung di ka mapakali kasi parang yung bawat kilos mo, may nanonood. Kinilabutan tuloy ako. Hay, baka imagination ko lang yun.

After siguro ng isang oras na pagkukulitan nila --- hindi kasi ako kasama e --- ay nag-aya sila Dara ng open forum, yung maglalabas ka ng mga nararamdaman mo sa mga taong nakapaligid sayo, na magiging honest ka sa feelings mo at dapat ay maiparating mo kung may gusto ka mang sabihin.

Hindi ko talaga gusto ang larong to e, kung laro man tong maitatawag kasi... ewan ko, basta, hindi ako masyadong sanay sa ganito.

Unang nagsalita e si Dara.

"Alam niyo naman siguro na si Jill lang ang bestfriend ko di ba?" tumango kami sa tanong niya. Matagal bago niya dinugtungan yung sasabihin niya "Masaya ako dahil naging kaibigan ko yang si Jill, kahit ganyan yan..." tapos ngumiti siya ng nakakaloko. "...kahit na ganyan yan, mahal na mahal ko yan. Kahit anong mangyari, hindi ko ipagpapalit sa kahit na ano man yung friendship namin. Dahil siya yung taong iba kung magmahal, na lahat, ibinibigay niya kahit anong mangyari. Di siya madalas magsabi sa akin ng mga nangyayari sa kanya pero alam ko kung may dinadala man siya wala." napangiti ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko nga rin ay nagtutubig na yung mata ko dahil sobrang natouch ako sa sinabi niya.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora